MABILIS ang mga hakbang niyang nagtungo sa isang parte ng bulwagan kung saan ay nakatago at bahagyang madilim. Mabilis na inilibot ang paningin na tila mayroong nais hagilapin. Hindi naman nagtagal ay sumilay ang mga ngiti sa kaniyang labi nang makita na ang hinahanap. Agad siyang lumapit sa isang magandang babaë na ang galak ay nabibilang sa isang maharlikang pamilya. “I will never forget your kindness, Miss V,” anito at nag-bow bago muling sumama sa iba pang mga bisita. Hawak pa rin niya sa kaniyang kamay ang flash drive na inabot patago ng babaë sa kaniya. “Mr. Sares, where have you been?” Ngumiti si Disandro matapos kumuha ng alak mula sa waiter na lumapit sa kanila. He is currently at peak sa pagiging good mood niya. And he was determined not to ruin such a wonderful moment. “Oh,

