Kailani * * " Sa pagkakaalam ko, Nasa Las Vegas kayo? Tumawag pa kayong dalawa tuwang-tuwa kayo at nagpapasalamat. Nawala narin sa isipan ko na magduda sa mga nangyayari saka ko lang napagtanto na parang may mali ng tumawag kayo ng nakaraang gabi. Naalala ko kasi nasa Isla ang mga Asawa at anak nyo." Wika ko " Pagkatapos ng labanan natin sa bundok ni Mr Murray nagpahinga kami sa hospital nagpagaling ng sugat saka kami tumuloy sa condo unit ni Lucho. Aalis na kami sakay ng Taxi ng papunta sa airport mawalan kami ng malay. Magising kami nakatali napapaligiran ng mga hindi kilalang tao. Pero nandoon aming Ama." Paliwanag ni Marcelo " Sinabi nila na Kaya kami inampon para gamitin mapalapit sayo. Hindi ko nga alam na Ampon Ako. Lumaki ako na ikaw ang madalas na kasama normal na saakin ang

