Apolo * * " Anak! Hindi mo ba bibisitahin ang anak mo?" Tanong ni Daddy Napaangat ako ng tingin " Galing ako doon kagabi katabi ko siya matulog. Pinagluto ko pa ang biyanan ko bago ako umalis, Iwanan nyo ako Daddy gusto ko mapag-isa. " Walang kabuhay-buhay na wika ko " Anak! Ilang buwan kanang ganyan. Ang haba na ng bigote at balbas mo napabahayaan mo na ang sarili mo." Wika ni Daddy naupo siya sa gilid ng kama ko napapailing habang Pinagmamasdan ang nagkalat na bote ng alak na wala nang laman " Hindi ko naman kayo pinapabayaan. Hindi ko pinapabayaan ang anak ko. Pabayaan nyo lang ako gusto ko mapag-isa." Mariing tugon ko " Anak! Hindi na maibabalik ang buhay ng Asawa mo. Tanggapin mo na ang katutuhanan hindi na siya babalik. Pero may anak kapa? " Mahinahon na wika ni Daddy "

