PEPSI'S POV Nang mawala na si Jace sa paningin ko para kumuha ng beer at pagkain ay para akong isang pusa na first time lang nakalabas ng bahay. Yung katabi ko sa mahabang couch ay mag syota na parang juniors ata at kung maghalikan ay halos kainin na nila ang buong mukha ng isa't-isa na kulang nalang ay pati ang buong couch at centertable ay kainin din nila. So ganito pala ang sinasabi nilang houseparty. Halos lahat ay may dala-dalang red cup of beer. Kahit saan ka tumingin ay may makikita ka na naghahalikan, naghaharutan, at meron ding mga nag-uusap ng masinsinan. Yung iba ay sumasayaw sa dancefloor na parang mga lasing na at kung saan-saan at kani-kanino nalang kinikiskis ang katawan. Meron ding mga nag-iisa sa isang sulok, nagmamasid lang din sa paligid katulad ko at nagkukunyaring

