JACE'S POV Nang iminulat ko ang aking mga mata ay natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakahiga sa couch namin sa bahay. Biglang sumakit ang ulo ko nang maalala ko ang nangyari kanina...or kahapon ba yun? Disoriented ako sa time ngayon. Sino kaya ang nagdala sa'kin pauwi? I tried to feel my eyes. Masakit pa rin ito at ramdam ko na may black-eye ako. Ano kaya ang nangyari pagkatapos akong suntukin ni Marcus? Shit, si Marcus. Nagrewind sa isip ko ang halikan namin at bigla nalang akong nanginig. Kadiri lang na ang awkward na ewan. Mga ika sixty-nine beses na sigurong nag-toothbrush iyon for sure. Nag-alala kaya si Pepsi sa'kin? Hinanap ko ang cellphone ko para makibalita. Wait, nasaan na ba iyon? Kinapkap ko ang aking mga bulsa. Ba't 'di ko mahanap? Nanunuyo ang aking lalamunan. Ka

