JACE'S POV "PAKASALAN MO ANG APO KO!!!" halos kita na ang ngala-ngala ni lola sa sigaw sakin. Mabuti nalang at napigilan ko ang sarili kong ibuga ang laway ko sa narinig. Mukhang hindi pa nakontento si lola sa pagturo sakin gamit ang index finger nito. Iniangat pa niya ang baston niya at dinuro sakin at kulang nalang ay ipalo niya sakin yon. Teka? Ano bang ginawa ko? Napaatras tuloy ako dahil kung makaasta ito ay parang ako ang nakasira ng pustiso niya. "Binaboy mo siya! Binaboy na parang baboy!" Ano daw? "Ang bata-bata pa ni Pepsi..."pahikbi pang sabi nito habang papalapit sa kama at humiga sa dulo sabay tingin sa apo nitong kagigising lang. Napangiwi nalang ako at napasulyap kay Pepsi and mouthed the word, "Help me." Tila hindi ni Pepsi lubos naabsorb ang mga nangyayari. Mero

