PEPSI'S POV "M-Marcus." Napangiti lang ito ng matamis sabay tabi sakin sa upuan. Umabot kaagad sa ilong ko ang mabango ngunit matapang nitong perfume. Di hamak na mas gusto ko yung amoy nung kay Jace... "Hindi mo yata kasama si Jace?" pambungad nito habang inaayos ang bangs niya na nakatabing sa mukha niya. May mukhang mamahaling headphones ito sa ulo pero obviously ay nakapatay ang music. "May klase pa siya." tipid na sagot ko. Napaisod ako ng mga 69cm papalayo sa kanya dahil parang hindi ako komportable. "Ah so hinihintay mo siya?" tanong nito na nakatitig ng mataman sa akin. "Oo." sinabi ko nalang ang totoo. Alam naman nito ang lahat eh, dahil naikwento ni Jace kanina sa canteen ang nangyari last weekend, of course, except for the...private parts. Yung parts lang na pumunta siya

