Ronoel NAPAKO ang atensyon ng mga estudyante sa 'min ni Bryson. Halo-halong reaksyon ang mababakas sa kanilang mukha. May mga nagtataka, marahil ay nagtataka kung bakit ako ang kasama ni Bryson ngayon. Ang iba kasing estudyante sa building nila Bryson ay 'di pa alam ang relasyon namin. Mayroon namang nakanganga, dahil siguro ito sa paghanga. Sa kabilang banda ay may grupo naman ang masama ang tingin sa 'kin. Hindi ko na lamang sila pinansin. Gusto ko i-enjoy ang gabing ito kaya 'di dapat ako paapekto sa mga taong mapanghusga. Nakahawak sa aking braso si Bryson. "Chin up, baby," bulong ni Bryson. Tumingala ako sa kaniya at ngumiti. Nakangiti siya ng matamis sa 'kin, at ang mga mata niya ay kumikislap habang nakatitig sa mukha ko. Inangat niya ang kamay ko at muli itong hinalikan, hind

