Ronoel NAGISING ako sa alarm ng aking cellphone,. Kinapa-kapa ko ito sa ilalim ng aking unan upang patayin at sabay tiningnan na rin ang oras. Alas singko pa lamang ng umaga. Maaga pa naman para mag-ayos. Ala-una ng tanghali naman ang simula ng graduation ceremony nila Bryson, at alas siyete ng gabi naman ang party. Maaga akong nagising dahil naisipan kong bilhan ng regalo si Bryson. Pupuntahan ko si Glodie upang magpasama sa kanya sa mall, at iaabot ko na rin ang invitation card na ibinigay ni Ma'am Jerica sa akin kahapon. Hindi kasi ako nakabili ng regalo kay Bryson dahil sa lagi itong nakabuntot sa 'kin. Hatid-sundo niya ako sa university at coffee shop. Sa coffee shop naman ay nakabantay rin siya. 'Di ko napigilan ang mapailing dahil sa naalala. Bumangon na ako. Inayos ko na ang higa

