Ronoel KINAPOS AKO ng hangin nang bitawan ni Bryson ang labi ko. Pareho kaming habol ang paghinga. Taas baba ang aking dibdib at gano'n rin siya. Nagbaba ako ng tingin dahil sa hiya. Hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya sa akin. Hinawakan niya ang baba ko at inaangat ito. Mataman niya akong tinitigan. "I'm glad you came. You don't know how happy I am right now, baby." hinihingal niyang sabi. "Ahmm.. gusto ko kasing ibigay ang regalo ko sa'yo. Congrats!" ani ko sabay abot ng hawak kong regalo. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Kinuha niya ito sa akin at akmang bubuksan ngunit pinigilan ko siya. Nakaramdam kasi ako bigla ng hiya dahil sa regalo ko sa kanya. "S-sandali, mamaya mo na buksan," pigil ko sa kanya. Rumehistro naman ang pagtataka sa kanyang mukha. "Ha? Why? I jus

