Ronoel MATAPOS ang klase ay agad akong dumiretso sa parking lot ng campus. Nag-text kasi si Bryson na 'dun na lang daw ako dumiretso. May pupuntahan daw kami bilang pagbawi n'ya sa akin. Nakaramdam ako ng excitement at kilig. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Pagdating kay Bryson mabilis lumambot ang puso ko. Napangiti ako nang matanaw ko na si Bryson. Sinalubong n'ya ako ng yakap— gumanti rin naman ako. "Are you ready?" pagkuwan ay tanong n'ya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at sakto namang nakatingin rin s'ya sa akin. Tinitigan ko muna ang kanyang mga mata bago sumagot. Kahit na hindi ko naman alam kung saan kami pupunta ay sumang-ayon na lang ako. "Oo." Bumitaw na s'ya sa pagkakayakap sa akin at binuksan na ang pinto ng kotse. Inalalayan n'ya pa ako papasok sa loob. Lihim n

