CHAPTER 3

1137 Words
ZORDON'S POV Ilang taon na rin pala ang nakakalipas magmula nang maipatayo ang bahay na ito. Dati lang itong kubo-kubo pero ngayon ay isa nang mansion na napapaligiran ng tubig. Dito muna ako pansamantala para makapag-isip ako ng mabuti. Kung ano ang dapat kong gawin. Masyado nang malaking pinsala ang ginawa ng taong iyon sa buhay ko. Wala akong balak umuwi ng Pilipinas ngunit nagbago ang lahat nang mangyari ang pagmassacre nito sa mga pasyente ko. Hinding-hindi ko sya mapapatawad sa ginawa nito. Nawalan narin tuloy ako ng tiwala sa mga taong nakapaligid sa akin. Tanging ang mga kaibigan ko lang ang pinagkakatiwalaan ko ngayon. Nag-ikot-ikot muna ako sa loob ng bahay. Sa pagkalaki-laki nito ay mahihirapan ako ng walang katulong. Lumaki akong sanay sa rangya. Dalawang doktor ba naman ang mga magulang ko. Isang magaling na heart surgeon ang ama ko at isa namang plastic surgeon ang aking ina. Masyado nila akong bineybi,lahat ng gusto ko ay nakukuha ko,laki sa layaw kumbaga. Pero bumukod ako sa kanila nang malaman kong gusto nila akong ipakasal sa anak ng matalik nilang kaibigan— Si Mharimar Smith Montemayor. Nasa America na ako noon,nag-aaral ng medisina nang makilala ko ang aking mga kaibigan na mga agents. Noong una ay ayokong sumama sa kanila dahil akala ko ay mga takas sa mental,na para bang walang mga gagawing tama sa buhay,mga pariwara. Ang buong akala ko ay miyembro sila ng fraternity. Mga walang direksyon ang buhay,laging kung hindi absent ay cutting class,kung hindi naman ay drop out sa isang subject. Sinong tanga ang maeengganyo nilang sumama sa grupo nila? Hindi ako oy! May direksyon ang buhay ko,kaya nga ako kumuha ng kursong medisina para sundan ang yapak ng aking mga magulang. Mga tanyag na doktor sa mundo ng medisina. Hanggang isang araw ay nabalitaan naming nahanap na raw si Mharimar nina tita Athea at tito Andrei. Hindi ko alam kung totoong nahanap na nga siya, pero sa totoo lang ay wala naman akong interes. Ni hindi ko nga siya nakita o kilala man lang. In short,wala akong pakialam! Ang sabi nila ay bestfriends daw ang mga magulang namin,simula high school hanggang sa mag-asawa ang mga ito. Kaya ang islang ito ay ipinagbili ni tito Andrei sa aking ama sa mababang presyo bilang pasasalamat at tanda ng kanilang pagiging magkaibigan. Ngunit ang pangalan ng isla ay hindi na pinalitan, lalo pa't nawala ang kaisa-isa nilang anak na babae. Isang araw nang dumalaw ako sa Pilipinas ay nagkasagutan kami ng aking ama dahil pinipilit nilang ipakasal ako sa babaeng hindi ko pa nakikita sa tanang buhay ko. Nasa kolehiyo pa lang ako ay pinaplano na pala ang magiging future ko sa isang babaeng hindi ko kilala at wala akong planong kilalanin. The worst is naplano na pala ang kasal namin habang nasa loob pa kami ng mga tiyan ng aming mga magulang. Whoever likes the fuckin' idea is such an idiot. Ni hindi man lang ako tinanong kung anong gusto ko,o kung papayag ba ako. "Kung hindi mo susundin ang gusto namin ng mama mo ay mas mabuti pang lumayas ka na at huwag ka nang magpapakita pa sa amin kahit kailan." Iyon ang mga katagang huling narinig ko mula sa aking ama. "Is that what you really want dad?",parang may bumarang kung ano sa aking lalamunan habang nakatingin ako sa daddy ko. He's fvcking serious! Ni hindi man lang ako nito magawang tingnan. Nakatingin ito sa ibang direksyon. Palipat-lipat naman ako ng tingin sa kanilang dalawa ng aking ina. Nagbabakasakali akong kakampihan ako ng aking ina gaya ng lagi nitong ginagawa magmula nang bata pa ako. She've always been taking my side ever since. But this time, I think pabor din siya sa pagpapakasal namin ng Mharimar na iyon. Tumingin ako sa kanya ng may hinanakit. "Ma,really? Even you?" Malungkot din naman itong tumingin sa akin bago nagsalita. "I'm sorry son,but we're just doing what we think will be best for you." Laglag ang mga balikat na lumabas ako ng living room. Tinungo ko ang pintuan saka lumabas mula sa mansyon ng aking mga magulang. Bumalik ako sa America at wala nang balak pang bumalik sa poder ng aking mga magulang. Kaya kong mabuhay nang wala sila. Kaya kong mag-aral kahit walang suporta o ambag mula sa kanila. Kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa. Kaya nang bumalik ako sa America ay laking pasasalamat ko dahil hindi ako masyadong nahirapan. Napasok ako bilang junior staff sa isang malaking kompanya at nagkaroon ng malaking sahod. Nagtrabaho ako habang nag-aaral. May pambayad na ako sa aking renta at napaaral ko din ang aking sarili. My life in America was running smoothly,until one day— Naglalakad ako pauwi na galing sa ospital kung saan ako nag oojt. Pagod ang katawan ko pero kailangan kong makauwi at magpahinga ng kahit kaunting oras lamang dahil may pasok pa ako sa kompanyang pinapapasukan ko bilang part timer. Nag-aabang ako ng masasakyang taxi nang bigla na lamang may isang puting van na biglang pumarada sa tapat ko at mula doon ay bumaba ang mga armadong kalalakihan. Base sa kanilang mga itsura ay para silang mga terrorista. Mga nakasuot sila ng puting mahabang damit at may mga nakatakip sa kanilang mga ulo. Kita ang kanilang mga mukha na parang pare-pareho lamang at walang pagkakaiba. "It's him. Take him.",mariing utos ng isa sa kanila. Hindi na ako nakapalag pa ng pukpukin ako ng isang lalaki ng baril sa ulo kaya parang kahit anong oras ay mawawalan na ako ng malay. Naramdaman ko na lamang na isinasakay na ako papasok sa loob ng kanilang sasakyan saka nila pinatakbo iyon. Nang magising ako at magmulat ng mga mata ay masakit ang aking ulo. Madilim ang paligid—wala akong makita. Buksan ko man ang aking mga mata ay wala akong makitang liwanag. Ang tanging alam ko lang ay nakatali ako sa isang upuan,ang aking mga kamay at paa ay nakatali sa isang upuan! Nang walang anu-ano ay biglang bumukas ang pintuan. Kasabay niyon ang pagbukas ng ilaw kaya nagkaroon ng liwanag ang buong paligid. Bumungad sa paningin ko ang isang lalaking nakasuot parin ng mahabang puting tela at natatakpan din ng telang pula ang kanyang ulo. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil natatakpan ito pero base sa kanyang boses ay mukhang bata pa ito nang magsimula itong magsalita. "You are a doctor right? I know you are capable of saving my father's life. He is in critical situation and it's a matter of time that he might not gonna make it if he's not gonna be saved by you." "No I am not. I don't have any experience yet in saving lives. I am not yet a doctor. I am still a student and still studying." "Liar!" Lumakas ang boses nito at napalitan ng galit ang kaninang kalmadong pakikitungo nito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD