SEB’s POV
I woke up alone. She was no longer beside me. Where did she go?
Wala rin siya sa bathroom nang tingnan ko. I want to know more about her. I was with her the whole night. I took something so precious from her, yet I don’t even know her name or where to find her.
Am I guilty? Just a little. She came too late for me. I’m married, and it’s hard to escape from Valerie. She’ll do everything para hindi ako makawala sa relasyon namin.
Sa akin niya isinisisi ang pagkawala ng baby namin, dahil daw sa aking kapabayaan. Hindi ko raw siya sinamahan sa isang event noon. Pero sino ba ang makakapagsabi na madudulas siya? Sanay na sanay naman siyang magsuot ng matataas na heels. Even now, she still prefers stilettos and wedges.
For the first time, I had a rare moment of freedom, and I got lucky, because the woman I was with wasn’t just anyone. I misjudged her at first, thinking she was just a walker, but I couldn’t have been more wrong.
Hindi pa kami tapos. Ngayon ko siya plano na kausapin sana pero iniwan niya ako agad.
Naalala ko ang phone ko. I had turned it off last night.
Sunod-sunod ang pasok ng messages sa phone ko, when I opened it. Nauna ang kay Valerie.
Hindi ko pa nababasa ang lahat ng message ni Valerie, tumatawag na siya.
“Where are you? I called the house last night, and the maid said you haven’t come home. I even called Dan, he said you left early. So who are you with… and where are you?” Ito ang dahilan kung bakit mahirap kumawala sa kaniya.
Noong una, umoo ako sa kaniya na sasama ako, pero biglang nagbago ang isip ko para hindi niya ako tuluyang maisama. Nagdahilan akong masakit ang tiyan ko. Saka lang ako nagsabi na kikitain ko sina Dan dahil okay na ang pakiramdam ko. Sinadya kong sabihin iyon noong nasa eroplano na siya papuntang Boracay, para wala na siyang magawa.
What my wife knows is that I’ll be meeting my friends with her, but that’s not the real plan. Minsan kailangan magsinungaling, lalo na kapag si Valerie ang makakasama ko. I just want to be with my friends, alone.
I succeeded, and I even got a bonus. But now, Valerie is on the other line, causing a scene.
“I’m on my way home. I was drunk last night and ended up sleeping in my car on the street, so stop overthinking. Dapat nag-aalala ka, hindi puro hinala ang iniisip mo.” Sagot ko sa kaniya. Hindi lang dapat siya ang matapang, dapat ako rin.
Ang ganda ng gabi ko, at ngayon gusto niyang sirain. I can’t tell her that I’m in a hotel. Mas lalo siyang magwawala at baka umuwi siya agad.
“If you were in your car, why was I unable to reach you last night?” Hindi pa siya tapos mag-rant.
“My phone had died, and I only just charged it. I knew you might call, so I made sure to turn it on immediately.” Sagot ko sa kaniya.
Hindi ba siya nahihiya na puwedeng marinig siya ng mga kasama niya ngayon? Gusto niyang palabasin na si Sebastian Vergara ay under niya.
Nakakasawa na. Pinagbibigyan ko lang siya, pero hindi na ako papayag na hawakan niya ako sa leeg.
“I’m driving, I’ll call you later. Bye.” Hindi ko na siya hinintay pang magsalita.
Dapat sweet ako para magtiwala siya, pero ayaw ko na. Tama na! Nandito na ako at may nakita akong dahilan para sarili ko naman ang isipin ko.
If she gets mad, let it be. Maybe she’ll be the one to walk away from our relationship. But how could that happen if what she’s really after is my family’s wealth?
Nagbihis na ako. Uuwi na ako sa bahay. Hindi ako titigilan ni Valerie hangga’t wala siyang ibang mapagtatanungan kung nasaan ako at kung ano ang ginagawa ko.
Napatingin ako sa kama, sa mismong kama kung saan namin pinagsaluhan ang kakaibang init kagabi. Walang humpay na pag-angkin sa sariwa niyang katawan.
How I wish she were still here. Now that we’re no longer under the influence of alcohol, ganoon pa rin kaya kalakas ang loob niya?
Bakit ngayon lang kami nagtagpo? Bakit mas nauna akong ipinanganak kaysa sa kaniya? I think she’s in her twenties.
Sometimes, I think life is unfair. Sometimes, I feel like Valerie is my karma, because of my foolishness with women. Nakatapat ako ng babaeng mas marumi pang maglaro kaysa sa akin. If I could turn back the time, gagawin ko.
Um-attend ako noon ng isang party kasama ang barkada ko. Schoolmate namin ang may birthday. Nandoon si Valerie, ang babaeng pangarap ng marami. She’s almost perfect, every man’s dream. Pero hindi ako.
Panay ang lapit niya sa akin that night. Ilang beses akong umiwas, pero mas lalo siyang lumalapit. I kept on drinking dahil wala akong makitang babaeng gusto ko. Nilunod ko ang sarili ko sa alak.
And when I woke up, may babaeng katabi ako. Pareho kaming hubad, at sobrang nagulat ako nang makita ko kung sino siya—si Valerie. Wala akong matandaan kung bakit kami humantong doon. At lalong wala akong maalala na may nangyari sa amin.
Gusto siya ng mga kaibigan ko, pero hindi ako. I really don’t know, I’ve never been attracted to her.
What made it worse, paglabas ko ng kuwarto, nandoon ang mga kaibigan namin, kagigising lang. Nakita nila na galing kami sa iisang silid ni Valerie.
And after a month, she claimed that I got her pregnant. She went directly to my parents, dahil pagkatapos ng nangyari, mas lalo ko siyang iniwasan. Ayaw ko siyang makita.
Ayaw masira ng mga magulang ko ang reputasyon ng aming pamilya, na hindi kami tumatalikod sa responsibilidad. Bago pa lumaki ang tiyan ni Valerie, ikinasal kami.
I tried to make the marriage work for the sake of the baby inside her womb. Wala na akong magagawa kundi tanggapin ang kapalaran ko, lalo na’t ang mga magulang ko na mismo ang nagsabi nito sa akin.
We pretended to be in a real relationship, making people believe that we were a good couple. Happy on the outside, but not inside the four corners of our room.