SEN’s POV “Anak, kumusta na ang pakiramdam mo? Hindi ka na nakakain kagabi. Tulog na tulog ka ng silipin kita. Binuksan ko na ang pinto mo dahil nag-aalala ako sa ‘yo,” bati ni Mommy. “Opo, Mom. Masakit po ang ulo ko talaga,” sabi ko kay Mommy. “Siya, kumain ka na. Ang Daddy mo pumasok na. Ang Ninong mo naman, umuwi na rin kahapon pagkagaling sa kuwarto mo. Hindi na nga nadala ang leche flan na itinabi mo para sa kanya.” Tumango na lang ako sa sinasabi ni Mommy. Nawala na ang pagiging mausisa ko lalo na ang tungkol kay Ninong. Parang plaka sa isipan ko ang huling sinabi ni Ninong sa akin. Na ako ang babaeng nakatadhana sa kanya. Paano mangyayari iyon? Kasal siya at ako ay dalaga. Mali pero hindi ko maintindihan. Nagtatalo ang puso at isipan ko sa natuklasan ko kahapon. Kailangan k

