Mas lalo lang akong' napahiya doon!Ano ba kasing' nakain ko at nagpatangay ako dito kay Ashley?!
Matapos ng ilang kwentuhan ay nagpaalam na rin kami ni Ashley na uuwi na. Dumaan lang siya saglit kay Luke bago niya ako ihatid pauwi ng condo.
"Haha!sorry ka girl,may ibang' bet ang bet mo," pangaasar niya sa akin habang nasa loob kami ng sasakyan.
"Eh kung dukdukin ko nguso mo?" Inis na tanong ko sa kanya.
"Ikaw naman hindi na mabiro, bagay kaya kayo ni Engineer Matt!" Plastik na sagot niya. Umirap ako at tumingin na lamang sa labas ng bintana.
Tumigil kami sa isang convenience store para bumili ng maiinom,medyo nahihilo pa ako kaya sumama na rin ako paglabas para bumili ng tubig.
I only buy water and tissue but look at Ashley,halos hakutin na ang lahat ng paninda.
"Alam mo sis,same taste talaga tayo! Look! Magkalahi ang bet natin," malanding' saad niya.
"Gwapo ba naman tapos engineer pa,"
"Alam mo ang differences natin?" Pangbibitin niya.
"What?"
"Ako,ginusto ako pabalik,niligawan ako,minahal ako---
Hindi ko na siya pinatapos magsalita,mahina ko na lang na sinampal ang pisngi niya para matigil na siya kakadada doon!
"At alam mo ang pinagkaiba natin?" Bawi ko.
"What?"
"Ako,masaya,ako nakakapagself love,ako virgin!" Umangat ang isang kilay niya at mapakla akong' tinawanan.
"Bakit ako magseself love eh may nagmamahal naman sakin,sayo siguro wala kaya napaka-bitter mo,hmp!"
Habang nasa sasakyan tuloy ay panay ang bangayan namin. Minsan talaga ay masarap na lang siya itapon sa ilog or sa dagat!
Bandang huli ay nagpatalo na rin siya. Ang gaga,biglang bait dahil dito pala makikitulog sa unit ko!
"I want more pillow!" Reklamo ko nang kumuha pa siya ng dalawang unan sa kwarto ko at inilipat sa kwarto na tutulugan niya.
"OA mo girl!lima pa yang' naiwan sayo!" Sigaw niya mula sa labas. "Palibhasa sa unan ka yumayakap dahil walang yumayakap sayo!" Dagdag pa niya.
"Hoy! Kota ka na sakin ha! One more word and you'll be kicked out!" Pagbabanta ko.
The next morning,maaga akong' gumising para mag-jogging. Tulog pa si Ashley kaya hindi ko na ginising,baka magalit pa ang bwisita. Besides,alam niya naman na hobby ko ang mag-jogging ng ganito kaaga every sunday.
Maliwanag na sa labas at marami ring' tumatakbo na kagaya ko. I don't have anything to do na kaya paganito-ganito na lang ako.
Nang mapagod ay dumeretso na lamang ako sa favorite kong' coffee shop. To be serious,nakalimutan ko na kaagad ang nangyari kahapon dito,buti na lang naalala ko ngayon. Daig ko pa ang may amnesia!
Um-order ako ng isang Cappuccino para kay Ashley habang ang sa akin ay Vanilla Latte,nagbayad ako at umupo sa pinakamalapit na table.
Nakakainis ang pawis ko na tumatagaktak sa damit ko. Ang init kaya hinubad ko ang jacket ko.
May dalawang lalaking' pumasok at dumeretso sa counter,hindi ko na lang pinansin dahil naalala ko yung crush kong' engineer. Ugh,sana ako na lang yung dine-date niya! Pero siguro dapat maghanap na ako ng bagong' crush dahil kung lalandiin ko yung engineer ay baka makasira pa ako ng relasyon.
Tinawag na ang name ko kaya kinuha ko na ang coffee,mabuti na lang at may ice ang binili ko dahil kung mainit ay lalo lang akong pagpapawisan.
"Yeah, I'm sure, she's the girl last night," rinig kong' bulong nitong' bagong pasok na lalaki.
"Go,make a move if you like her," bulong naman noong' isa.
I don't know if they're talking about me pero wala ako sa mood lumandi. Amoy pawis pa ako dahil sa kakatakbo ko kaya argh,pass muna.
Tatayo na sana ako para bumalik sa condo nang mabunggo ang ulo ko sa dibdib ng isang matangkad na lalaki. Magagalit na sana ako kung hindi kaagad nakita ang mukha niya. Damn,Matt!
Hindi siya nagsalita at nanatili lamang na nakatitig sa akin, damn,nakakatunaw naman.
"Uhm," I don't know what to say! nakakahiya. "Hi, Engineer."