JEFF Nakabalik na kami sa mansion matapos ng laban namin ni Sarah nitong mga nakaraang araw ay yun na rin ang huli naming pag uusap. Natalo siya dahil kahit anong gawin niya hindi niya ako mapatumba nakakaawa pero pasensya na wala pa talaga sa listahan ko ang magkaroon ng karelasyon. Nahagip ng mga mata ko sa kalayuan si Ma'am Gweneth. Naka upo sa may fountain at nakatulala, nakanganga pa. Siguro inaalala niya yung nangyari kanina kahit ako hindi ko makakalimutan yun. Sa gitna ng tensyon may namuo ring tensyon sa pwet ni Maam. Pero mukhang hindi lang yun ang iniisip niya, malamang tungkol sa kanila ni Flint. Teka sabihin ko na ba sa kaniya yung iba ko pang nalalaman? Naningkit ako at nakapag isip. Bumuntong hininga ako. "Si Kick Pepe na bahala, hindi na dapat ako mangealam ang prayorida

