GWENETH Bangag. Yan ang isang salitang maaring ilarawan sa pisikal kong kaanyuan at pati na rin sa emosyonal kong katangian. Lutang akong pinapanood ang mga tauhan ni Flint na linilinis ang penthouse ni Flint habang si Flint ay katabi at nakatayo. Ako kasi nakaupo ako suot parin ang t-shirt ni Flint at ngayon may boxers na ako. Siya naman naka shirt na rin siya at nakaboxers. "Ganito ba ang Clash Day? Sana sinabi mo na parang Clash Of Clans para pinadala ko si Hog Rider." wala sa wisyo kong bulang kay Flint. "What?" gulong gulo na tanong niya, naririnig ko lang siya. Hindi ko siya makit kai parehas kaming nakasandal sa pader at pinapanood yung mga tauhan niya kaso siya nakatayo ako nakaupo. "Wala." bumuntong hininga na lang ako. Tumingin ako sa gilid at tumingala para makita siya, nak

