Amber Pov Ang inaasahan kong sermon na gagawin sa akin ni Phil ay hindi nangyari. O baka hindi pa mangyayari. Tahimik lang kasi siya habang nagmamaneho pauwi sa bahay. Hindi ko tuloy maiwasan ang makaramdam ng pagkailang. Nang hindi na ako makatiis ay ako na ang bumasag sa nakakabinging katahimikan na namamagitan sa pagitan naming dalawa. "Sabihin mo na ngayon kung ano ang gusto mong sabihin, Phil. Alam ko marami kang gustong sabihin sa akin dahil sa nangyari," pag-uumpisa ko sa usapan. Sa halip na sundin ang sinabi ko ay tiningnan lamang niya ako ng ilang segundo pagkatapos ay muling ibinalik sa pagmamaneho ang kanyang konsentrasyon. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya dahil wala man lang akong nababasang expression o anumang damdamin sa kanyang mukha. Blangko lamang ang expressio

