NARAMDAMAN ni Gianna ang paghigpit nang hawak ni Dominic sa kanyang kamay habang mataman na nakikinig ito sa kwento ni Kenneth. Nagdesisyon si Dominic na tumira na siya sa bahay nito kasama ang kambal upang mabuo na ang pamilya nila. Lalo pa't ngayong ipinagbunbuntis niya ang pangatlong anak nila. Hinatid lang nila ang dalawang bata sa bahay at pagkatapos ay dumiretso na sila rito upang kuhanin ang mangilan-ngilan niyang gamit. Hinintay nila si Kenneth upang personal na magpaalam sa binata. "Pre, alagaan mong mabuti 'yang si Gianna, ah. Parang kapatid ko na 'yan." Tumayo na ito at siya naman ang binalingan. "At ikaw, kung may problema ay sabihin mo kay Dominic. Tama na ang inyong paghihirap. Be happy." Tumango si Dominic. "Thank you for taking care of her." "Wala 'yon. Kung nakita mo l

