HALATA sa mukha ni Dominic ang pagkagulat ng siya ang bumungad pagpasok nito sa sariling mansyon. Saglit silang nagtitigan bago siya nag-iwas nang tingin. "Uhmm.. Ano kasi." "What it is Gianna?" tila naiinip nitong tanong. "May pinakiusap sa'kin ang dalawa. Gusto raw nilang sumama sa fieldtrip. Alam yata ng dalawa na hindi ka papayag. Kaya humingi sila..." Tumigas ang anyo nito. "So, do you think na papayag ako dahil ikaw ang nakiusap para sa kanila?" Napalingon siya sa komedor kung saan nakatago ang dalawa at pareho pang nakanguso. "Hindi naman sa ganoon..." "My answer is no," pinal na saad nito. Naglakad na ito patungo sa may hagdan. Ni hindi na nga siya tinapunan nito nang tingin. Bakit kasi hindi muna nito patapusin ang sasabihin niya? "Sandali." "Pwede ba, Gianna. Stop it. I k

