MALALAKAS na kalambag sa pinto ang nagpagising kay Gianna. Bahagya pa siyang nagulat nang makitang katabi niya si Dominic. Napangiti siya nang maalala ang nangyari kagabi. Her sweetest night ever after six years. "Daddy! Daddy!" Boses iyon ni Axel. Sumunod muli ang malalakas na katok sa pinto ng kwarto. Teka, kwarto ito ni Dominic. Namula siya bigla. Akmang gigisingin niya ang katabing lalaki nang makitang mataman itong nakatingin sa kanya. "Ah, eh." Di niya alam ang susunod na sasabihin. Umurong bigla ang dila niya. Narinig nilang muli ang malalakas na katok sa labas ng pinto. This time, si Andrew naman ang tumawag sa daddy nito. "Yes, baby?" sagot ni Dominic sa mga ito. "We're hungry already. Wake up na po!" ani Axel. "And have you seen Teacher Gianna? Wala po siya sa kwarto niya,

