"CARE TO tell me what is happening?" ani Dominic sa kanya. Lumunok muna si Gianna bago nakipagtitigan dito. Hindi siya dapat matakot. Anak rin naman niya ang mga ito. "I'm their new teacher. Naka-maternity leave ang dati nilang guro." Ngumisi ito ngunit ang mga tinging ipinupukol nito sa kanya ay tila nagsasabing hindi siya nito pinaniniwalaan. "And you think na maniniwala ako sa'yo?' "Hindi ko sinabing paniwalaan mo ako. Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin. Kung wala ka nang sasabihin makakaalis ka na." Inirapan pa niya ito. "Did you tell them already?" "What?" nangmamaang-maangan niyang tanong "You know what I mean, Gianna. Don't play bullshit!" Napiksi siya sa kanyang kinauupuan. Bakit ganito ito? Wala na bang alam gawin si Dominic kundi paglaruan siya? Noong natapilok siya.

