- FLAME Nag mamadali ako pababa ng hagdan ng makita ko ang mag pipinsan sa sala. Saktong harap nila ang pag suot ko ng itim na jacket. "Oh aalis ka?" tanong ni nanay. "Oo nay paki muna si cloud tulog pa. Andun sa kwarto ko. May kailangan lang ako puntahan." paalam ko dito at pumunta sa gilid ng main door kinuha ko ang susi ng sasakyan kong Lamborghini. Hindi ko tinapunan ng tingin ang mga dela vega dahil sa nangyari kahapon. Mas okay na umiwas kesa ang lumapit pa lalo sa kanila. Masyadong magulo mga babae nito nakaka pagod patulan. Lumabas na ako ng bahay at nag lakad papunta sa kotse na nasa labas na ng gate. Pinalabas ko na ito kanina kay kuya danny. Sumakay na ako at pinaandar na ito patungo sa underground. Hindi naman nag tagal nakarating din ako. Sa labas pa lang alam mo na a

