"Pare, nakita niyo na iyong kasama ni Shin. Ang ganda parang diyosa." "Oo nga. Transferee raw." "Ligawan ko kaya. Ano sa tingin mo?" "Wala kang pag-asa doon. Mukhang masungit." "Grabe ka naman." "Nagpapakatotoo lang pre." "Ulol mo!" "You two. Get out! This place is for studying not for gossiping!" Napatigil ang pakikinig ko sa dalawang lalaking nag-uusap. Nandito ako sa library ngayon. Nagbabasa ng kung ano-ano. Ayaw ko pang pumasok sa room. 2 weeks pa lang naman mula ng nagstart ang klase. Wala pang ginagawa. Boring lang dun. Pero sino nga kaya ang pinag-uusapan nila? Tsk, hayaan na nga. Bata pa ako at saka mas masarap pang magdota kaysa babae. Sakit lang sa ulo yan. Saka turo sakin ni daddy noon. Study first before girls, girls ruins your system. Sayang at maaga siyang kinuh

