Amber POV "Hindi ba talaga tayo papasok?" nakakunot-noong tanong ko. Pinagpalit niya kasi ako ng damit kanina. "No classes," simpleng sagot niya. "Paano?" "Love, its my birthday so they considered it as a holiday." "Dahil birthday mo lang?" "Nakakalimutan mo yatang ako na ang may-ari ng University. If I suspend classes I can. So don't worry." Bumuntong-hininga na lang ako sabay tingin sa dinadaanan namin. Pinagmasdan ko lang siyang nakangiting nagmamaneho. Nagdadalawang-isip na ako parang ayaw kong mawala ang mga ngiting nakikita ko ngayon. Pero kailangan, kailangan na niya talagang malaman ang totoo. Nalalapit na sila at ang mas malala kung ang mga kaaway ko ang unang makahanap sa akin. Ayaw kong malagay siya o sila sa panganib. Ayaw kong maulit ang nangyari noon. "Were he

