Amber POV
Pagkatapos ng eksena sa garden bumalik na ako sa room. Mabuti na lang hindi naman nila ako binully. Nasabi na kasi ni Marco sakin na hindi si Sky ang dahilan ng pagbully sakin. Si Cassandra daw, yung malditang babaeng yun talaga. Patay na patay daw yun kay Sky eh. Napatingin ako sa upuan ni Sky wala pa siya pati narin si Marco. Ang tagal naman yata nila?
Dumating na yung prof namin pero wala pa rin sila. Nakinig na lang ako. Pagdating ko sa next class ko nakita ko si Marco. Na parang ang lalim ng iniisip niya. Tulala lang. Hindi niya nga ako napansin kahit dumaan pa ako sa harapan niya. Anong problema niya? hayaan na nga.
Sky POV
Nandito ako ngayon sa rooftop. Nakatingin lang sa kawalan ang lakas ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam. Marahan kong itinaas ang mga kamay ko na parang lumilipad. Then memories of her came running at my mind again.
FLASHBACK
''Hey, Sky bilis!" nakangiting sigaw ng babaeng mahal na mahal ko.
''Sobrang saya mo yata,'' nakabusangot kong sabi. Lumapit naman siya sa akin at saka kinurot ang magkabilang pisnge ko.
''Ang cute cute mo talaga, Langit ko. Huwag nang magtampo, huh," nakangiting sabi niya sabay hatak sakin. How I love this girl so badly.
''Alam mo kung bakit excited akong pumunta dito sa rooftop. Kasi malakas ang hangin!" At saka niya dahan-dahang itinaas ang mga kamay. It's like welcoming the wind.
''Feeling ko kasi lumilipad ako pagmalakas ang hangin and when I'm doing this. It's like it taking away all my worries," nakangiting sabi niya habang nakapikit. Nakatitig lang ako sa kanya hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang akin na siya. She's mine now. ONLY MINE.
''Bakit?'' tanong niya dun ako nabalik sa realidad. Kanina pa pala ako nakatitig sa kanya.
''Huh?''
''Bakit ka ganyan makatitig sa akin? May dumi ba ako sa mukha?" inosenteng tanong niya. Natawa naman ako.
''Wala po, hindi lang ako makapaniwalang akin ka na. Ang hirap mo kasing abutin. Masyado kang mataas,"' nakangiting sabi ko. Yeah, dati she's too far from me but she's the one who brighten my world because she's my STAR.
''Ikaw talaga bakit parang baliktad yata hindi ba ikaw ang, Langit ko," nakangiting sabi niya. Niyakap ko naman siya. How I love her sweetness. She's really my match. My Perfect Match.
''Ikaw naman umiilaw sa mundo ko,'' nakangiting sabi ko. Sinuntok-suntok niya naman ako.
''Ikaw talaga masyado mo akong pinapakilig.'' Papadyak- padyak niyang sabi upang itago ang pamumula ng mukha niya. Oh, my future wife is blushing.
''Bituin ko, tama na,'' natatawang sabi ko sabay yakap ulit sa kanya.
''Huwag mo akong iiwan, huh?'' seryosong sabi ko. Maiisip ko pa lang ang ideyang iyon parang mamamatay na ako. I can't imagine my life without her.
''Hindi kita iiwan, Langit ko. Pangako iyan.''
''Promise mo iyan, huh?"
''Promise!''
END OF FLASHBACK
"What happened to your promise, Star? Iniwan mo naman ako! I hate you! I hate you so much!"
However, even I despise her. I hate myself more for still loving her and still waiting for her. f**k THIS LOVE! f**k THIS HEART!
Napatayo ako. Parang may narinig akong natumbang bagay.
''Sinong nandyan?" Lumapit ako sa pinangalingan ng tunog. Wala naman akong nakitang tao. Tanging iyong natumbang trash can lang. s**t! May tao ba kanina rito?
Amber POV
Tulala lang ako habang nagseserve dito sa bar. Hindi ko pa rin makalimutan iyong mga sinabi na Sky kanina. Ang tanga ko lang labis ko siyang nasaktan.
"Concentrate Amber!" Pagpapakalma ko sa sarili ko sabay hingang malalim. Kailangan kong mag-concentrate kung 'di magkakamali ako.
"Ang gwapo nila 'no?"
"Oo nga."
"Kinikilig ako."
Napatingin ako sa pinagtitinginan nila. And there Sky and Marco. Inom lang sila nang inom mukhang lasing na lasing na rin. Napaiwas ako ng tingin nang makita kong nakikipaghalikan si Sky sa isa sa mga babaeng katable niya. s**t! ang sakit parang binibiyak ang dibdib ko sa nakita ko.
Huwag kang masaktan. Hindi ba ikaw rin ang may kagagawan niyan.
''Concentrate Amber, Concentrate." Nanginginig kasi ang mga kamay ko. Pinilit kong mag-concentrate. Hindi na rin ako tumingin sa table nila. Alam kong masasaktan lang ako. Parang nanghina ang mga tuhod ko nang marinig ko ang isang napakapamilyar na kanta.
My life is brilliant
My love is pure
I saw an angel of that I'm sure
She smiled at me on the subway
She was with another man
But I won't lose hope sleep on that
Cause I've got a plan
Your beautiful, Your beautiful
Your beautiful
It's true
"Anong masasabi mo bituin ko? Magaling ba kumanta ang boyfriend mo?''
''Opo, ang ganda ng boses mo," nakangiting sagot ko. Napangisi naman siya. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko. Hindi ko napigilan ang kamay ko at pinisil ang ilong niya. Ang tangos kasi.
''Alam mo bang angkop sa iyo 'yong kanta."
"Hmm, bakit naman?''
''Kasi po noong una kitang makita. Naagaw mo na ang atensiyon ko kaso may kasama kang lalaki noon hindi ako makapormang lumapit sayo'' nakapout niyang sabi.
''Si Marco po iyon.''
''Alam ko, sobrang close niyo nga 'non. Naiingit ako." Napasimangot pa siya. Bakit ganoon nakasimangot na siya ang gwapo niya pa rin?
''Huwag nang magtampo langit ko," sabi ko sabay halik sa pisnge niya. Namula pa siya. How adorable my boyfriend is.
''Ikaw naman mahal ko."
''Maniniwala ka ba kung sabihin ko sa iyong akala ko anghel ka noong una tayong magkita," nakangiting sabi niya.
''Oo, kasi diba tanong mo 'non. Angel are you real? Kaya nga ako na badtrip sa iyo. Akala ko kasi pinagtritripan mo ako.''
''Hmp! Naalala mo pa pala iyon,'' namumulang sabi nya.
''Alalang-alala ko iyon diba sinalo mo ako dahil muntik na akong mahulog sa hagdan. Tapos laughtrip pa iyong tanong mo. Grade 7 tayo noon hindi ba? 'Di ibig sabihin grade 7 pa lang tayo gusto mo na ako.''
I snapped to reality nang makarinig ako ng sigawan. Pagtingin ko sa stage. Nakabulagta na iyong singer habang sinusuntok ni Sky?
''HEY YOU! IF YOU WANT TO LIVE! DON'T EVER SING THAT SONG AGAIN!" sigaw niya habang patuloy pa rin sa pagsuntok. Pilit naman siyang pinipigilan ni Marco.
Naistatwa ako sa kinatatayuan ko. Is this really Sky now or I'm just dreaming? Hindi ito ang kilala kong Sky. He's not a devil, he's a simple guy, a calm one. He don't hurt other people, he care for others. But what I'm seeing right now is a heartless man. Ready to kill, ready to hurt others? What I've done to him?
Ikaw ang dahilan! Ikaw ang may kasalanan! sigaw ng konsensya ko.
"NO! NO! NO!" sigaw ko. Napasalampak na lang ako sa sahig hanggang sa magdilim na lang ang paningin ko.
Marco POV
''Hey wake up!" nagulat ako sa sigaw ng isang babae. Teka ito yung babaeng kasama ni Jayden kanina ah.
''Hi Miss," nahihilong sabi ko. s**t! Napadami talaga ang inom ko.
''Pigilan mo si Jayden!" natatarantang sigaw niya sabay turo sa stage. s**t! Agad akong napatayo parang nawala rin ang kalasingan ko. Kailangan ko siyang pigilan kung 'di baka mapatay niya iyong lalaki.
''f**k! Jayden tama na iyan!" sigaw ko pero mukhang hindi niya ako naririnig. No choice kundi gawin ko ulit 'to. Agad ko siyang sinuntok sa sikmura. Dahil siguro sa sobrang kalasingan kaya mabilis siyang nawalan ng malay.
Lagot sigurado ako pag-gising nito. Binuhat ko na lang siya. Naglalakad na ako paalis nang makarig ako ng sigawan ulit paglingon ko.
''Si Master Blue iyo, ah,'' Gusto kong batukan ang sarili ko bakit 'di ko naisip na rito siya nagtratrabaho tapos dito ko pa dinala si Jayden. Siguradong nakita niya lahat. Dinala ko na lang si Sky sa kotse at saka ko binalikan si Master Blue.
Kasalukuyan na akong nagda-drive ngayon. Napalingon ako sa backseat parang mahimbing lang silang natutulog. Bagay na bagay nga talaga sila.
''Hay! Sakit talaga sa ulo itong dalawang 'to.'' Nawala na yata ang kalasingan ko. Mabuti na lang sabado bukas. No choice mukhang sa condo ko sila dadalhin.
''Hay buhay nga naman oh!" Sana nga maibalik na ni Master Blue iyong dating Sky. Kung 'di, maaga akong mamamatay sa problema sa kanya.
Binuhat ko na lang si Master Blue saka ako nagpatulong sa guard para siya naman magbuhat kay Jayden. Pagdating namin sa condo ko. Agad akong nagpasalamat kay manong at nagbigay na rin ako ng bayad sa pagtulong sa akin. Ayaw ngang tanggapin pero pinilit ko lang.
Ang hirap naman ng buhay ko naging instant yaya ako. Pagkatapos ko silang ihiga sa kama saka ako napahiga sa sofa.
"Hay sa wakas Marco makakatulog ka na rin!''
KINABUKASAN
''YAH!''
''AH!''
Napamulat ako parang may narinig kasi akong nahulog. s**t! ang sakit ng ulo ko. Hangover nga naman. Pupungas-pungas akong pumasok sa kwarto ko.
And then—
''Hahahahaha! Tawa ko pagpasok ko sa kwarto. Paano naman kasi. Parehas silang nahulog mukhang nagsipaan din hawak hawak iyong likod nila. Sa magkabilang gilid kasi sila ng kama nahulog.
''s**t! YOU MARCO!"
''MARCO!" Galit na galit nilang sigaw sa akin. Oh, oh lagot.
Tinulungan ko na lang si Master Blue. Kulang na lang kasi kainin niya ako sa mga tingin niya. Tapos pagtayo niya, ngulat ako nang bigla nalang niya akong sakalin.
"Hayop ka Marco! Bakit kami magkatabi sa kama?"
''Eh, pa-pano k-ko masa-sagot di ko ma-ka-hinga,'' nahihirapan kong sabi. Binitiwan niya naman ang leeg ko. Mabuti na lang akala ko katapusan ko na.
''Eh kasi po hinimatay ka at nakipagbugbugan naman si Jayden. Ako lang naman ang may magandang loob na tumulong sa inyo," nakasimangot kong sabi.
''PERO BAKIT KAMI MAGKATABI?"
''Sa sobrang pagod ko kagabi. Nakalimutan ko nang pinagtabi ko pala kayo. Pero wala namang nangyari sa inyo hindi ba?" nakangisi kong tanong.
''WALA!"
''NONE!" Sabay nilang sigaw. Destiny talaga 'tong dalawang 'to. Palaging sabay.