Amber POV "Whatever you say Marco basta babawiin pa rin kita!" Umiiyak pa siya sabay takbo paalis. Kawawa naman nagmumukha siyang desperada. Oh Shin I'm sorry loko-loko kasi si Marco eh. Pagkaalis niya saka ko hinatak 'tong walang hiyang lalaking 'to. Pinagsasakal ko siya. Kung pwede lang patayin na eh. "Argh! tama na Master!" ''Patayin na kaya kitang lalaki ka huh'' ''S-sorry na Master. Aray!" Tinapakan ko pa kasi yung paa niya. Saka ko siya hinatak papunta sa kotse. Nakakagawa na kasi kami ng eksena. Pagdating namin sa kotse niya saka ko siya binitawan. ''Ah! grabe Master papatayin mo ba talaga ako?!" Galit niyang sigaw. Aba't sinisigawan na ako ng lalaking 'to. Ang kapal ng mukha. Siya na nga nandadamay nang inosenteng tao. Sinuntok ko nga siya sa sikmura. ''ARAY!" ''May ga

