"May kakaiba sa'yo ngayon." Napahinto ako sa ginagawang pagkuha ng ilang larawan ng triplets dahil sa biglang pagsasalita ni Xolani sa tabi ko. Narito kami ngayon sa panghuling islang pupuntahan namin ngayong araw bago kami tutuloy sa isla na tinitirhan nina Yudz. "Kakaiba iyong aura mo, simula pa kaninang umaga," pagpapatuloy ni Xolani. Pinigilan kong huwag mapangiti nang maalala iyong nangyari kagabi na dahilan ng maganda kong gising. "Tingnan mo! Bigla ka na lang ngingiti-ngiti!" nambibintang ang tono niyang sabi na para bang may ginawa akong kalokohan. "Bawal ba?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na pinigilan ang mga ngiti ko. Ewan ko ba pero sobrang gaan ng pakiramdam ko kahit na nangangalay ang buo kong katawan sa halos magdamag naming ginawa ni Yudz. Himala ring maaga akong nagi

