Parang walang nangyaring nakihalubilo ako sa mga kasamahan namin pagkatapos nang naganap sa'min ni Yudz sa itaas ng bahay nila. Wala namang makakaalam na dalawang beses akong naputukan at dalawang beses na rin akong naligo. Naabutan kong busy ang lahat dahil balak na naman nilang maligo sa dagat. Wala talagang kasawa-sawa ang mga ito. Mabuti na lang at likas na maputi iyong triplets kaya namumula lang sila. Ayaw kong pagkabalik namin ay hindi na sila makilala ng mga magulang nila dahil mata at ngipin na lang nila iyong nakikita. Sinabihan ako ni Xolani na may nakahanda nang breakfast para sa lahat kaya pumunta na ako sa dining area. Kumain na rin daw sila kaya makisabay na ako roon sa mga katulad kong nahuli nang gising. Sinunod ko ang sinabi nito dahil nakaramdam ako ng gutom pagkatap

