Ngayon ko lang napansing nasa music room pala kami dahil maraming musical instruments sa paligid. "Marunong ka bang tumugtog?" pagbubukas ko ng usapan nang hindi ko na matagalan ang mga titig niya. Bigla kasing kumabog ang puso ko. Excited masyado dahil muli na naman kaming napagsolo ni Yudz. Kung dati ay inis agad ang una kong nararamdaman ngayon ay kakaibang saya na ang namayani sa loob ko. "Si Daddy ang mahilig diyan," nakangiti niyang sagot. "Nagbabanda sila noon ni Tito Deo." Napasulyap ako roon sa mga gamit pambanda sa isang tabi. Halatang alagang-alaga ang mga ito. "Matagal na pala silang magkaibigan?" usisa ko. Akala ko rati at magkapartido lang sila sa politika. "Simula noong mga binata pa sila," sagot ni Yudz. Natigilan ako nang maramdaman ko ang pagyakap ng mga braso niy

