Natapos ang buong araw ko sa nakaw na tinginan at patagong ngitian namin ni Yudz. Minsan nga ay mas nagiging mapangahas pa siya at may pasimpleng pahawak-hawak pa siya sa'kin. Patay-malisya naman ako at minsan din gumaganti ng simplehan. Lihim akong napapatawa tuwing nakikita ko ang slight na pagbabago ng ekspresyon niya sa mukha dahil sa kunwari ay inosenteng pagkakapatong ng kamay ko sa hita niya o pagkakadikit ng mga braso namin. Sa aming dalawa ay siya itong hindi gano'n kagaling magtago ng emosyon, o baka sadyang nahihirapan lang siyang magkontrol tulad nga nang inamin niya. Pagkauwi namim pabalik sa bahay nila ay pagod ang lahat. Sa wakas ay naubos ang akala ko unlimited energy ng mga kasama namin. Wala na ngang planong inuman kinagabihan dahil napagpasyahan ng lahat na magpahi

