Unlike me Nagsusuplado na naman si Jiro sa akin. At alam kong dahil yun sa sinabi ko sa kanya. Funny isn't it? Ayaw kong ako itong masaktan kaya ako itong nananakit. Ayoko lang paasahin ang sarili ko sa mga bagay na alam kong wala namang patutunguhan. "Nag-away na naman ba kayo? Kakabati niyo lang ah?" tanong sakin ni JK nang lagpasan lang ako ni Jiro dito sa sala nila. "Nireregla kapatid mo kaya nagmomoodswing. Hayaan mo na." Ipinagkibit balikat ko nalang 'yon. Hindi ako yung tipo na pag galit ka ay susuyuin kita. Ako yung tipong uupo nalang at hihintayin kong mamiss mo ako. Wala naman kasi akong kasalanan. Hell yeah! "Ewan ko talaga sa inyo kung anong pinag-aawayan niyong dalawa. Parati naman sana tayong magkasama dito pero pakiramdam ko buong araw akon tulog dahil wala akong edi

