Sky "Jiro, ang panget ng kulay ng curtains dito sa condo mo. Pati yan. Tsaka yan. Ang papanget ng kulay." Pinagtuturo ko isa isa yung mga gamit niya na ayaw ko yung kulay. "Lahat naman sayo panget kung hindi pink." Napabungisngis ako sa sinabi niya. I just so love pink. At nahahawaan ko rin siya. Simula bata pa kami yun rin ang nagiging theme ng birthday niya at nagiging kulay ng kwarto niya. Pink. "Pink is hot." sabi ko "Oo na. Oo na. Noong nakaraang linggo mo pa nginangawa yang kulay na yan. Magbihis kana para matuloy yang lakad natin." Tumayo naman siya sa kinauupuan niyang sofa at pumasok sa kwarto niya. Minsan talaga ilag itong si Jiro sa akin. Umiiwas. Ayaw sigurong mahawa sa kalandian ko. Pumunta nga kami sa Mall. Panay buntot niya lang sakin habang nakasabit sa balikat ni

