Now It's new year. Hindi ko alam kung nag-enjoy ba ako sa pagcecelebrate ng pasko at new year pero mukhang naging masaya rin naman ako sa nagdaang araw. Jiro got a gift for me. At katulad ng ginagawa ko sa mga regalo niya ay tinatago ko. I valued them. Hindi ko nalang muna ginamit. It's a necklace with a butterfly pendant. Di ko alam kung may ibig ba iyong sabihin. Ewan ko. Nagsimula ulit ang pasukan. Sa mga subject na kaklase ko siya ay nahahalata ko ang pagiging clingy ulit ni Sylver sa kanya. That guy is too obvious when he's inlove. Hindi niya iyon naitatago. Kung pwede niyang ipagsigawan ay gagawin niya. Wala siyang pakialam kahit na si Jiro na itong nahihirapan kakatakip sa kanilang dalawa. Nang lumabas si Snow at nagpaalam sa prof para kumuha ng libro sa locker room ay lumabas

