Before it kills me "Sky?" Isang sunod sunod na katok ang pumaibabaw sa kwarto ko. "Ugh, dad! Five more minutes please." Gumulong ako sa kama ko. Ayoko pang gumising! Masyado pang maaga! "No honey. You need to go to school now. Dapat kahapon ka lang pumasok eh. Pero pinagbigyan kita nang sinabi mong five minutes pa para umidlip ka. At anong napala ko? You fell asleep again! Pinagbigyan na nga kitang malate ng enroll pero sumusobra na! I need you out right now Scarlet Gail. Right now." may diin na iyon. Nasipa ko ng paulit ulit ang magkabila kong paa sa sobrang yamot. Ugh! I'm still sleepy. "Fine! Fine. Maliligo na." Humihikab pa ako nang kinuha ko yung towel ko at pumasok sa loob ng banyo. Hinubad ko lahat ng damit ko at pinaandar ang shower. Hinayaan ko itong umagos sa buong katawan

