Mahirap abutin "Ugh, Sky. Ba't nandito kana naman? Klase mo pa ah?" Napatingin siya sa relo niya nang sumulpot na naman ako dito sa classroom nila sa kalagitnaan ng klase. "Nagpaquiz lang naman. Nauna akong matapos kaya lumabas na ako." sabi ko sa kanya. Math subject nila eh. Hindi ba napipiga utak nitong si Rap? Nakita ko pang pasimpleng sinisilip ni Harel ang papel niya. Ayun nahuli siya isinampal tuloy ni Rap sa kanya yung papel. Para yung nahilamos sa mukha ni Harel. "Ayan. Nahiya naman ako baka hindi mo makita nang maayos. Kabisaduhin mo sagot ko. Nangongopya ka pa. Ituturo ko sayo, lintek saan mo ba pinapasok yang itinuturo ng teacher? Sa tiyan mong hangin lang ang laman?" iritadong sabi ni Rap na pinukpok pa ng ballpen ang ulo ni Harel. Natawa lang yung teacher.

