Unexpected Umalis rin naman si V. Nauna na siya. Hindi ata nag-enjoy sa pagbabakasyon dito. Lima nalang sila dito pero parang katumbas parin ng pito. Makulit rin kasi itong si Harel at panay ang pang-aasar kay Rap. Si Sylver naman si Rocky parati ang kasama. "Ungas. Ba't hindi kana maglayas? May pamalit na ako sayo oh." sabi ni Sylver sa kapatid niyang bumusangot na ang mukha. Jame Brancen looks like a puppy. Lalo na yang mga mata niya pag ngumingiti siya. Ganoon rin ang mga mata ni Sylver eh. Magkapatid nga. Hindi na nasundan ang eksenang 'yon sa kusina sa amin ni Jiro. Silang lima narin kasi talaga itong kasama ko araw araw. Minsan kasi tumutopak itong utak ko at ayaw ko munang lumalapit kay Jiro. Sa tuwing magkalapit kasi kami parang kusang nagmamagnet itong kalandian namin sa loob.

