Larisa POV Naku~ To the rescue naman itong asawa ko. Hihi. "What's the problem here, mam?" casual na tanong ni Lane. Tumingin naman ako sa babae. Ayy. Kaya naman pala. Nagpapa-cute sa magaling kong asawa. Gwapo eh. "Ah... Eh... Hmm..." Hindi alam ng babae kung ano sasabihin niya. Ang hirap ata ng tanong ng asawa ko at hindi masagot. "Miss, mahirap ba 'yung tanong? Kailangan pa bang i-solve?" tanong ko dito. Ayoko naman maging bastos pero kung ganito ba naman kaharap mo eh hindi ka ba ma-iinis? Pwede namang hindi ipahalata na nagpapa-cute siya. Tss. Tumingin sa akin 'yung babae at inirapan ako. "I want a dark red lipstick kasi and the saleslady kasi said na it's out of stock na. But I want it kasi talaga," paliwanag nung babae. "Ohh. Is that so? Maybe you can go here another day

