Larisa POV Hinawakan ako ni manong driver sa kaliwa kong braso at hinila ako palabas ng kotse. Syempre, anong laban ko sa katawan ni manong, edi nagpahila nalang ako. Haha. "Samahan mo siya bumili ng damit. Kailangan niya magpalit ng damit." Utos niya kay manong driver. Seryoso ba siya??? "Tara na, mam." Pagyaya sa akin ni manong. "S-Sandali. Okay na ko sa damit ko. May jacket naman ako sa bag ko," katwiran ko pa. Nakatingin lang sa akin si Mr. Yabang. Partida nakataas isang kilay niyan. Bakla ba talaga 'to? "Okay. Get inside," sabi niya kaagad. Ngumisi naman ako at pumasok sa loob ng kotse at pumasok na rin si manong driver sa driver seat at pinaandar na nito ang kotse. 'Yung totoo? Dinahilan ko lang 'yun kasi nga baka maging utang ko na naman 'yun sa kanya. Ayoko naman mangyar

