Larisa POV Kagigising ko lang at ngayong araw ang kasal namin. Parang ilang araw lang nung ikakasal ako sa ex ko pero di natuloy tapos ito naman. Ikakasal ako sa tycoon. Fake marriage lang pala. Hayst. Pagbangon ko sa aking kama ay may nakita akong puting malaking kahon na nasa couch. Tiningnan ko bawat sulok ng kahon. Wala naman nakalagay na pangalan. Binuksan ko na. Wala naman nakalagay na 'Do not open' eh. Pagkabukas ko ng kahon ay napa'WOW' ako. Nagningning ang mga mata ko sa nakita ko. Ang ganda. Wait, may napansin akong papel na nasa ibabaw ng damit. Takatupi 'yung papel at binuklat ko na at galing ito kay Mr. Yabang. Akalain mo 'yun. May pagka-sweet din siya. Hihi. To: Larisa Wear this dress and then my driver will pick you up around 10 a.m. From: Lane Nicholson Kinuha ko a

