Legend POV "Jusko naman, Mang Maw. Nakakagulat ka," sabi ko habang nakalagay ang isang kamay ko sa isang dibdib ko. "Ano kailangan mo?" "Nasaan ate mo? Di ko siya napapansin," tanong na akala mo concern. "Akala ko ba updated ka sa lahat, Mang Maw? Sige, dahil hindi mo alam. Sasabihin ko na." Lumapit ako sa kanya at ibubulong ko. "Nasa America siya ngayon. Ayan ha, updated ka na." "Talaga? Napaka-swerte ng ate mo." Manghang sabi nito. "Naku, baka balak mo pa pumunta doon para lang makichismis," sabi ko sa kanya. Mabuti nang advance mag-isip. "Hindi 'no. Nakalimutan kong sabihin sa kanya. 'Yung pasalubong ko," hirit niya. "Kung mag-uuwi siya," sabi ko nalang. "Diyan ka na, Mang Maw," sabi ko sa kanya at pumasok na ng bahay. Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay pumunta ako ng kusina at

