Fear Dela Cruz •POV•
Nahatid na ako ni Gray dito sa butika ,sumabay na siya sakin at may aasikasuhin pa daw siya kay pumayag na ako.
“Fear bakit ang ganda ganda mo parin at ang sexy mo pa anung secret mo sa beauty mo”
Wika nang kasama kong bakla dito na si Joey na kinatawa ko sa kaniya.
“Ikaw talaga kung anu-ano ang sinasabi mo”
“Abay totoo naman ,kung lalaki lang ako talagang na inlove nako sayo kaso di kita type”
Napailing na lang ako sa sinabi niya
“Sorry na lang talaga ang nang iwan sa nyong mag-iina ..hayy nakakagigil talaga ang ganung klaseng lalake nakaka taas nang dugo.”
Dugtong niya pa na kina iling ko dahil wala nakong balak pang makita man siya at kung magkita kami sana wala na lang pakelaman.
“Bat kase di mupa sagutin si Papa Gray? Gwapo, Yummy, kaya kang buhayin, mahal niya ang mga anak niyo, at higit sa lahat mahal ka”
“Darating din ako sa bagay na yan ayaw ko lang madaliin dahil alam mo naman ako lang ang nag tratrabaho sa amin tapos kumuha pako nang isang katiwala na titingin sa mga anak ko.”
“Kelan kaya iyan abay ang tagal nang nanliligaw sayo nang tao Fear Dela Cruz at ilang taon na ba? Two? Tree years?”
Napa buntong hininga naman ako sa sinabi niya ,dahil totoong matagal nang nanliligaw sa akin si Gray.
Mabait naman siya at lahat binigay niya mula kay Mama hanggang sa mga anal ko. Pero hindi pa rin maalis sa isipan ko kung paano ako na saktan nang lubos sa nangyari sa akin dati.
“Pag-iisipan ko yan”
Wika ko sa kaniya at pumunta na sa harap dahil may bumibili.
.
Hanggang alas diyes nang gabi ang duty ko, nasanay na din ako sa puyatan .
Pag-uuwi naman ako ay isang oras din ang biyahe, sumasakay na lang ako nang bus dahil wala nang jeep at gustuhin man akong sunduin ni Gray ay sinabi kong wag na lang at magpahinga na lang siya dahil alam kong pagod na din siya.
Naglalakad nako papunyang bus station ,nang may naramdaman akong sumusunod sa akin kaya napahinto ako sa paglalakad pero nang bumaling ako sa likod ay wala naman kaya nag kibitbalikat na lang ako sa sobrang puyat lang siguro ito.
Nang makarating sa bus station at napahinto ako dahil sa sasakyang itim bigla akong kinilabutan ,dahil siguro hindi ko type ang kulay nang sasakyan.
Napaparanoid ka nanaman Fear.
Kausap ko sa sarili ko dahil siguro sa puyat kaya ganto ako.
.
Nang makasakay nako ay napa buntong hininga na lang ako at umusog sa may tabi nang binta.
Pipikit na sana ako nang may biglang tumabi sa akin na matangkad na lalaki naka facemask at eye glasses siya na itim at naka hoody jacket.
Hinayaan ko na lang siya at sinandal sa binta ang ulo ko dahil antok nako.
Bigla naman nag ring ang phone ko na nasa bag ko at dali-dali kong kinuha at nakita ko ang caller na si Gray ,kaya sinagot ko agad.
“Hellow”
Wika ko at nakislot naman ang katabi ko ,kaya hininaan ko ang boses ko.
(Hellow Fear naka uwi kana ba?)
“Hindi pa naka sakay pa lang ako sa bus ,malapig na din ako”
(Sige ingat ka iloveyou)
Wika niya na kina tango at ngiti ko na lang kahit hindi niya nakikita. Lagi niya naman sinasabi sa akin un kaso hindi ko masagot, hindi ko alam kung bakit.
“Opo salamat”
(Oo nga pala bukas pupunta ako sa inyo pupuntahan ko ang mga bata at pasyal na din natin sila bukas tutal linggo naman at day off mo”
“Bakit nagpapaalam kapa e ikaw lang naman ang hinahanap nang mga bata parang ikaw na nga ang gusto nila kesa sakin”
Pakunwari kong nagtatampo at nakanguso kahit hindi niya nakikita na kita natawa niya naman kaya natawa din ako.
Nagulat naman ako sa katabi ko nang umubi ito ,kaya nabaling ang attention ko sa kaniya.
“Sige na pababa nako ,end call kuna ito ingat lagi”
Wika ko at pinutol na ang tawag.
“Manong diyan na lang po sa tabi.”
Umusog naman ang katabi ko dahil narinig niya na bababa ako.
At nang makababa ay naglakad lang ako nang kaonte at nasa bahay nako, napabuntong hininga ako dahil sa antok at pagod buti na lang at sunday bukas at mapapasyal ko ang mga bata.
.
Kinabukasan 6:30 palang ay bumangon nako dahil day off ko ako ang magluluto nang agahan nang mga anak ko at si Mama.
Nagluto lang ako nang hotdog, pan cake, egg ,fride rice. Nang matapos ko lahat nang niluto ko ay siya naman gising nang kambal ko na pupungas-pungas pa ang mga mata nila.
“Good Morning Mommy”
Sabay na wika nila na kina ngiti ko.
“Good Morning mga Mahal ko, kumain na kayo dito at ititimpla ko kayo nang milk niyo.”
Nagtitimpla ako nang milk nang marinig ko din ang isang yapak na alam kong si Mama yun, at nang tapos ko nang itimpla inilagay ko sa harap nila at pinag sandok kona din sila.
“Mommy i can handle this”
Wika ni Jhonny na kina iling ko dahil sa matandang mag isip.
“I know, but I want to serve you at gusto ko baby ko pa din kayo kahit malaki na kayo dahil mahal na mahal ko kayo.” Wika ko sa kanila
“Okey Mommy”
Wika nilang sabay na kina ngiti ko dahil sa lagi na lang silang sabay at nagkakaunawaan.
“Okey finish your food because we are going to the Mall and tito Gray”
“Yehey”
Wika nilang sabay kaya napailing na lang ako.
“But Mommy where’s Daddy but si tito Gray?”
Wika ni Jhenny na kina hinto ko sa pagkain at si Jhonny naman ay walang imik at pinag patuloy ang pagkain at nagkatinginan kami ni Mama, magsasalita na sana ako nang may kumatok.
“Ako nang magbubukas, tuloy nyo na ang pagkain nyo.”
Wika ko at tumayo para buksan ang pinto nang mabuksan ko ay bumungad sa akin ang malaking ngiti at napaka gwapong si Gray na naka plane white shirt at jeans.
“Good Morning “
Wika niya na abot ngiti ang labi
“Good Morning din pasok ka kumakain ang mga bata at si Mama sa kusina dito kana din kumain para dika magutom mamaya.”
“Sige baka mawalan ako nang lakas mamaya dahil sa pagkabibo nang mga bata.”
Wika niya na kina tawa ko na lang at dumiretyo na siya sa kusina.
“Good Morning Kids and Tita”
“Tito Gray...”
Sabay na wika nang mga bata at tinanguan lang siya ni Mama.
“Miss me?”
“Yes tito” wika ni Jhonny
“Tito sasama ka daw sa Mall sabi ni Mommy” bulalas nang madaldal na si Jhenny
“Oo ayaw nyo ba”
“Syempre i what tito”
Mabilis na wika ni Jhonny, si Jhonny ang pinaka ka close kay Gray dahil siguro lalaki silang parehas kaya ganun.
“Okey tara na at maligo na kayo at mag bihis”
Kaagad naman silang sumunod sa akin, pinaliguan at binihisan kuna sila. Ang suot ni Jhonny ay katulad nang kay Gray dahil yun ang gusto nang anak ko na kina iling ko at si Jhenny na naka floral dress na bumagay sa kaniya.
At nang matapos na sila ay pina una ko nang bumaba dahil mag bibihis na din ako , nag suot lang ako nang dress na may manggas na kulay white at hanggang taas nang tuhod na pinatneran ko nang sandals na black at naglagay lang ako ng konting lipstick at linugay ko ang buhok kong hanggang bewang ang haba at bumaba na ako baka mainip sila sa akin.
Nang makababa ay tumungo ako sa sala na alam kong duon sila naghihintay.
“Let’s go “
Wika ko na kina harap nilang lahat at nakita ko na tinignan ako ni Gray mula ulo hanggang paa na kina pula ko sa hiya.
Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang mga kamay ko na kina angat nang tingin ko sa kaniya.
“You are so Beautiful “
“Thankyou and you are so handsome “
Wika ko na kina tawa naming dalawa.
“You’re so bagay Mommy “
Bulalas ni Jhonny na kina lingon naming dalawa ni Gray nang tinignan ko naman si Jhenny ay tahimik lang siya na naka upo.
“Umalis na kayo para di kayo gabihin”
Pag-iiba ni Mama na kina hinga ko nang maluwag.
“Okey po Tita una na po kami ,ayaw nyo po bang sumama”
Magalang na pag-anyaya ni Gray na kina ngiti ni Mama.
“Naku wag na at ayos nako dito at baka lalu kayong magtagal sa akin”
Sabi ni Mama na natatawa kaya natawa din si Gray.
“Una na po kami Ma nag bilin na po ako kay ate Gie”
Wika ko na kina tango niya si ate Gie ang kinuha kong nagbabantay kay Mama at tumitingin sa mga anak ko wala naman siya dapat gawin dahil nakakakilos naman si Mama at ang mga bata ay mabait naman pero iba pa din pag may tumitingin sa kanila habang wala ako.
Nang makarating kami nang Mall ay sa toys store agad ang yaya nang mga anak ko at sabi ko sa kanila one toy lang ang kukunin nila na kina tango naman nito, pero hindi pumayag si Gray dahil siya naman din daw ang magbabayad, tumanggi ako pero mapilit siya nakakahiya na sa dami nang naitulong niya.
.
Nang matapos sila sa toys store ay nanuod na kami nang cine na ang napili ni Jhonny ay ang barilan kaya nag enjoy silang dalawa ni Gray samantalang kami ni Jhenny ay nainip.
“Labas lang kami ni Jhenny at pupunta lang kami sa mga bilihan nang dami”
“Sige mag-iingat kayo at text moko kung saan kayo pupunta para alam ko wag kayong masyadong lumayo.”
Tumango at ngumiti na lang ako , napa iling na lang ako dahil masyado syang protective sa aming mag-iina.
Nang makalabas kami ni Jhenny ay pumasok kami sa isang bilihan nang damit nang mga bata.
“Mommy I want this dress can you buy for me”
Tinignan ko ang dress na tube at kulay rose gold ,maganda nga.
“Okey Mahal ko ito lang ba?”
“Si kuya Jhonny po wala pa.”
Sabi niya na kina ngiti ko dahil ang sweet talaga nila sa isat-isa.
“Okey, then buy for your kuya,
wait kita sa counter.”
“Okey Mommy”
Sagot niya at tumalikod nako para pumunta nang counter nang may mabangga ako.
“Ay Sorry Miss i’m so sorry”
Bulalas ko dahil sa diko sinasadya.
“Bakit kase hindi mo tinitignan ang dinadaanan mo”
Mataray na wika niya at umangat nang tingin sa akin, parehas kaming nanlaki ang mata nang makilala namin ang isat-isa.
“Fear...?Fear Dela Cruz?”
“Oo ako nga ito Cath “
wika ko at ngumiti ,ngumiti din siya sa akin.
“Ang tagal natin di nagkita kamusta kana sinong kasama mo.”
Wika niya na exited magsasalita na sana ako nang....
“Mommy eto po ang kay Kuya”
Nabaling ang attention namin ni Cath kay Fear. Nanlaki naman ang mata ni Cath.
“May anak kana pala guest what alam kong gwapo ang asawa mo dahil ang ganda nang anak mo at may kuya pa ibig sabihin dalawa sil.”
Mahabang lintanya niya
“Ah may kakambal siya yun yung tinatawag niyang kuya ikaw kamusta kana saan kana napadpad niyan.”
Wika ko sa kaniya dahil matagal ko na din siyang hindi nakita simula nang hindi na ako pumasok nang school hanggang lumipat kami nang tirahan.
“I’m very okey ikakasal na ako”
“Talaga ba kanino, sinong mapapangasawa mo?
Wika ko na gulat na gulat .
“Mamaya na lang hanap muna tyonh makakainan”
Tumango at sumunod na lang kami sa kaniya pagkatapos kong bayaran sa cashier ang napoli ni Jhenny.
Nang makahanap kami nang kakainan ay biglang tumunog ang phone ko at nag text si Gray kung nasaan kami kaya dali-dali ko itong tinext kung nasaan kami at sinilid kuna ulit sa bag ko.
.
“Nakaka inggit ka naman may kambal kana sana ako din at oo nga pala nasaan nga pla yung isang kambal niy at ang tatay nila.?”
Tanong niya at magsasalita na sana ako...
“Fear”
Narinig kong tawag sa akin ni Gray, kaya napa lingon ako sa kanilang dalawa ni Jhonny.
Pagkuwan ay nanlaki naman ang mata ni Cath ngunit si Gray ay walang expression.
“Ikaw ang ama nitong mga bata ,pero bakit kelan at saan nagsimula ang lahat”
Nagkatinginan kami ni Gray at umiwas ako nang tingin, gusto ko man sabihin kay Cath na hindi siya ung ama nang mga anak ko kaso wala nakong nagawa nang....
“Mahabang story...”
Wika ni Gray na kina iling ko na lang.
“Ikaw Cath sino naman mapapangasawa mo?”
Pagpapatuloy ni Gray
“Kilala nyo na siya ,at napaka swerte ko sa kaniya...makikita nyo sya sa engagement party namin kaya eto ang invitation party namin pumunta kayo ha..at isama nyo na din ang mga anak nyo...oh sya mauuna nako susunduin ko pa siya mamaya uuwi kase siya dito sa pinas.
Wika niya na kumikinang ang mata kaya naiiling na lang ako dahil talagang inlove siya sa lalaking papakasalan niya, unalis na din siya agad at nag beso-beso pa sakin at yumakap.