True Identity 9

1109 Words
Fear Dela Cruz •POV• Nang araw na nag usap kami ni Jr. ay sobrang sakit sa akin nung malaman kong may gusto syang iba oke pa sana sakin kung isa saamin ni Cath dahil kilala ko si Cath at makakapag katiwalan siya, ngunit iba ang gusto niya. Hindi kona tinanong sa kaniya kung sino baka masaktan lang ako lalo, masakit na ngang aalis siya mas masakit pang may mahal siyang iba. Ganto pala ang pakiramdam nang marinig mo sa taong mahal mo na may mahal siyang iba napaka sakit para kang namatayan. Kaya nang hinatid ako ni Jr. sa bahay namin ay kaagad akong umakyat sa kwarto ko dahil gusto ko nang ilabas ang pinipigilan kong pag iyak, at ang kwarto ko lang ang binubuhusan ko nang iyak at sakit nang loob. “Fear bumaba kana dyan at kakain na tayo” Wika ni Mama sa labas “Hindi na po ma sabi ni Jr. sa kanila na lang ako mag di- Dinner “ Sabi ko habang palabas na ako nang kwarto at pababa “Ganun ba sge “ “At Ma sakanila ako matutulog kase aalis na bukas nang hapon si Jr.” Wika ko habang naka upo siya sa sofa at umupo din ako sa tabi niya. “Sge ,pero wag kayong masyadong magtabi ni Jr. at baka anung magawa niyo” Wika ni mama na kina kunot noo ko. “Alam mo din ba na hindi siya tunay na bading Mama” “Matagal ko nang alam kase sa kilos niya palang parang iba na” Wika ni Mama na kina simangot ko “Bakit hindi mo man lang po sinabi sa akin ibig sabihin ako lang ang hindi nakakaalam?” “Abay ewan ko sayo anak sya lagi ang kasama mo tas sakin mo tatanong, abay basta wag kayong magtabi sa kama” bulalas ni Mama napapasimangot na lang talaga ako. “Ma, naman hindi mangyayari ang nasa isip nyo tiaka inamin niya sakin na may nagugustuhan siyang babae, kaya wag kayong mag-alala” Mahabang lintanya ko kay Mama. “Abay napaka swerte naman nang babaeng iyon kung ganon” Wika ni Mama na kina buntong hininga ko.....Swerte Nga.. “Bakit naman swerte Mama?” Wika kong walang gana “Abay syempre mabait ang batang iyon at masipag matalino pa at pag nagkapamilya yun abay alam kong hindi niya pababayaan” Lintanya ni Mama na kina simangot ko ,iniisip ko pa lang na magkaka pamilya na sya ay masakit na para sakin pero masaya ako pag nagkataon basta ba mamahalin siya nang mapapangasawa niya. . Makalipas ang mahabang kwentuhan namin ni Mama ay narinig ko na ang pagkatok sa aming pinto na alam ko kung sino yun. “Magandang Gabi po bless po at sunduin ko lang po si Fear tita Ara” Magalang na wika niya sa Mama ko “Ay ganun ba sge wag mong pababayaan yan ..ha” wika ni Mama na para bang nagbilis sa kasintahan, kaya natawa na lang ako. “Opo tita masusunud po” Wika naman ni Jr. na lalu kong kina tawa. “Tara na nga parang ang lalim nang mga sinasabi nyo eh dyan lang naman sa malapit hindi naman sa kabilang bayan” Natatawa kong sabi na kina tawa din nang dalawa. “Ohh sya sge mag iingat kayo” Pahabol pa ni Mama na kinatango naming dalawa at lumakad na, hindi naman malayo ang kila Jr. sa Kanto lang ang sakanila kaya malapit lang ito sa bahay namin. Nang naglalakad na kami ay umakbay na sa akin si Jr. na binalewala ko na lang ganyan talaga yan dati pa Malambing. “Mami miss kita Fear “ “Mami miss di naman kita Jr” Wika ko na naka ngiti at ngumiti din siya “Mahihintay mo kaya ang pagbalik ko kahit matagal?” “Hihintayin naman kita pero sa tagal yata nang sinabi mo baka meron na tayong kanya-kanyang pamilya.” Bulalas na wika ko at ngumiti nang pilit sa kanya at humarap sa dinadaanan namin malapit na pala kami sa kanila. Hindi kona din sya narinig na nagsalita at hindi kona din sya nilingon dahil ayaw kong nakikita nya akong nalulungkot, ayaw ko na kina aawaan ako. “Ohh nandyan na pala kayo halina dito at kumain na tayo nang sabay-sabay” Wika ni Dada(Tita) Lucy, tumango naman ako dito at ngumiti. “Tara na Jr. kakain na daw papahuli paba tayo” Wika ko at nginitian siya sabay hawak ko sa kamay niy at hinila ko saya patakbo sa loob nang bahay nila diretyo sa kusina. “Akin na tong chicken wings..ha” Wika ko at kakagatin na sana nang mawala ito sa kamay ko, liningon ko naman ang katabi ko at nanglaki ang mata ko nang kinain nya ito ,napa nguso na lang ako. “Akin yan eh, nakakainis naman Dada(Tita)Lucy tignan mo si Jr. nang aagaw ,kainis ka talaga” wika ko na naiinis ,paano ba naman kase simula bata kami favorite namin ang Chicken Wings. “Hay nako kayong bata kayo, hindi pa rin kayo nagbabago nakakatuwa kayong tignana, sana walang magbago sa inyo” Wika nya na napapangiti at natatawa. Ang isa namang ito natatawa sa itchura nang mukha ko kainis. . Pagkatapos namin kumain ay maaga daw kaming matulog at papasyal daw kami bukas kase aalis na nang hapon si Jr. kaya ipapasyal nya daw ako. “Tabi tayo ha, kaya umasog ka at dyan kana sa gilid baka malaglag kapa ang likot mo pa naman matulog” “Tahimik kaya akong natutulog no .” Wika ko at sumimangot. “Talaga lang ha?” Wika nyang natatawa kaya hinampas ko sya nang unan “Ganyanan pala sye ayan oh” Gumanti na din sya “Aray “ wika nya na kina hinto ko “Ay ,sorry anung masakit sayo?napano ka? Masakit ba?” Dirediretyo konh tanong na kina ngisi nya at kina tili ko nang buhatin nya ako at ihiga sa kama at kiniliti. “Hahaha ,tama na plss..haha..ha, tama na pl.ss .di.na mau.ulit” Wika kong nahihirapan dahil sa kinikiliti niya ako. At huminto na din siya sa pagkiliti sa akin napag tanto kong nakadagan na sya sa akin at nasa itaas ko sya na nakaharap sa akin. Napalunok naman ako nang tinitigan nya ako. At ganun din sya. Nanigas ako nang lumapit ang mukha niya sa mukha ko at pinaglapat ang labi namin. Hindi ako makagalaw ,gustohin ko man syang itulak hindi ko magawa, dahil hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nagustohan ko din ang pag lapat nang aming labi. Sobrang lambot nang labi niya na parang jelly
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD