Fear Dela Cruz •POV•
Kinabukasan namasyal muna kami sa mall sa Sm Pampanga at bukas ay may klase na pang-iwas stress din.
Sumakay kami ng mga ride katulad ng Sky Ranch, SuperViking, Carousel, Travelscoot at Marami pang iba.
Sa pagod namin ay napag pasyahan namin kumain muna sa favorite namin kainan sa Loob ng mall ito ang Mang Inasal ,baka itanung nyo kung bakit favorite namin tong kainan na to syempre nakakamay kaseng kumakain dito at unli rice pa.
“Hoy ,Fear dahan dahan ka sa pag kain mo baka paglamayan kana namin ni Darang(Tita) Ara” bulalas niya at sabay abot sakin ng tubig
“Eh ..sa nagutom ako , saan ba ang next na pupuntahan natin?” Sabi ko habang ngumunguya ng kinakain
“Tingin tayong damit” masayang wika nya
Hay naku eto nanaman kami sa damit, dahil sa magaling syang pumili ng mga klase ng damit pati ako ay binibilhan nya na rin kahit ayaw ko. Hindi naman sa pag-iinarte kaya lang talagang ayaw kong bumibili ng damit nakaka panghinayang lang kase ng pera.
Habang naglalakad at tumitingin ng mabibilhan ng damit ay may naka bangga akong isang pamilyar na lalaki ngunit inuna kong dinampot ang dala dala kong sling bag. Dahil sumabog ang laman ng aking bag.
“Pasensya na po kuya hindi kita nakita” wika ko at inangat ko sya ng tingin, sya nanaman! Hay naku ...
“It’s okey, I’m sorry too Fear “ wika nyang naka ngiting aso kala mo nakabingwit ng ulam
“Fear tara na” malamig na boses ni Jr. ang nag pabaling sakin sa kinatatayuan nya
“Ahh ou eto na” sagot ko sa kanya
“Fear mag-usap tayo minsan sa school“ malakas na hiyaw ni Grey Ty ,binalingan ko lang sya at ngumiti.
Hindi naman masamang tao si Grey Ty mabait naman sya , matalin ,mali ang pangangatawan , singkit ang mata, grey din ang buhok katulad ng pangalan nya at bumagay sa kanya ang kulay dahil sa tangkad nyang lalaki ,kasama din sya sa Varsity ng School kaya nga sikat sya sa School at idagdag pa ang ka gwapuhan nya, un nga lang talagang di ko sya type.
“Natahimik ka yata Jr. ?”wika ko dahil hindi na sya umimik simula nung nakita namin si Grey ..is He mad at Me again?
“Wala naman umuwi na tayo napagod nako” malamig na wika nya
Ano nanaman kayang nangyari sa kanya na engkanto nanaman, ani ko sa isip ko.
Naka sakay na kami ng bus pauwi at sya din ang nag bayad ,hindi ko alam saan kumukuha ng pera to at sya ang naglilibre.
“Jr. ano ba talagang problema mo at natahimik ka na lang dyan, galit ka nanaman ba sa akin dahil sa lalaking yun wag kang mag alala bibigay ko sayo un para maging masaya ka” mahabang salaysay ko sa kanya, dahil baka magalit nanaman sya sa akin.
“Hindi ako galit, kung gusto mo sya wala naman akong magagawa ,pero ang payo ko lang sana wag ka nyang saktan” bulalas nya na kina ngiti ko kahit kaylan talaga iniintindi ako ni Jr.
“Anung klaseng ngiti yan parang nanalo ka sa loto”
“Wala lang masaya lang ako kase nag-aalala ka sa akin” kapag kwan ay sabi ko at kumapit ako sa braso nya at humilig sa kanya.
“Anu kaba syempre mahalaga ka sa akin, kaya sana kapag mawala ako sana wag mo akong kakalimutan”
Napa angat ako ng tingin sa sinabi nya
“Ano bang pinag sasabi mo Jr. hindi kita kakalimutan at hindi tayo maghihiwalay diba pangako natin sa isat-isa yan nung naglalaro pa tayo ng makeup -makeup”
bulyaw ko sa kanya na halos mapatingin samin ang mga naka sakay na pasahero.
“Shh..ang ingay mo ou na at pwede bang tigilan mo ang pag kapit mo sakin paa kang linta” wika nya at pumara dahil diko namalayan na nandito na pala kami sa kanto papasok sa aming baranggay.
Ngunit hindi pa rin mawala sa isip ko ang huli nyang sinabi , para syang nagpapaalam at lalayu sakin. Nakaka kaba ,at hindi ko kakayanin nasanay na kase akong lagi syang nasa tabi ko.