Napaawang ang mga labi ni Rima nang marinig ang usapan ng mga magulang. She has never done eavesdropping with someone else's conversation before but she was thankful na ginawa nila ito ni Gabriel ng araw na iyon.
"Did I hear it right? Ipapakasal nila tayo?" mahinang bulong ni Gabriel.
"Huwag mo nang ulitin at kinikilabutan ako, Gabriel!" sagot na paasik ng dalaga.
"But why? I mean, bakit nila tayo tatanggalan ng karapatan na pumili ng gusto nating mapangasawa sa buhay. We are clearly friends, nothing else! Hindi ako papayag, kahit pa tanggalan nila ako ng mana!"
Nanghihinang napadausdos sa pagkakasandal ang dalaga. Hindi niya lubos maisip na may ganoon palang balak ang mga magulang. Didn't they tell her, she is their princess? Bakit nila iyon gagawin sa kanya knowing na hindi ito tama?
"Calm down, baka pwede pa nating kausapin ang parents natin na huwag ituloy ang balak nila. I mean, pwede nating sabihin sa kanila na we loved somebody else and we can't afford to marry each other. You have Lorraine in your heart and I also have Rafael, and if we're going to marry ibig sabihin we have no choice but to be married forever! It's a lifetime commitment and I strongly believe na ang pagpapakasal ay ginagawa lamang ng dalawang taong nagmamahalan." ani Rima. Bakas na rin sa boses nito ang takot at malaking pagkadisgusto.
"I will talk to Mom about this, I hope they will listen to me. Hindi madali ang hinihingi nila sa akin. This is unfair at hindi rin ako papayag!"
Naihilamos ng dalaga ang magkabila nitong palad habang dahan-dahan na tumayo. "I'll go out to get some fresh air. Kapag hinanap ako nila mommy, tell them na nauna na akong umuwi because I have to meet friends."
"Saan ka pupunta? Don't tell me na pupuntahan mo si Rafael?" tanong ng binata.
"Tumahimik ka nga riyan at baka may makarinig pa sa'yo. Hindi ko siya pupuntahan, happy?"
Hindi na pinigilan ng binata ang dalaga ng maglakad ito papalayo. Hindi naman niya pwedeng sundan ang dalaga dahil hindi pwedeng dalawa silang mawala na lang basta. He decided to go to his room para magpahinga. Pagkarating roon ay pasalampak siyang nahiga habang naglalaro sa balintataw niya ang maamong mukha ni Lorraine. Kung siya ang masusunod, si Lorraine ang gusto niyang makasama sa buhay. He is already at his early twenties but it seems like wala pa siyang karapatang mag desisyon para sa kanyang sarili. His parents literally want to literally took his life away from him.
"Hey son, nakabalik ka na pala. Manang Lucing told me na narito ka sa kwarto kaya pinuntahan kita." ani Vera sa anak pagkapasok niya sa kwarto nito. "The food is ready, tara na sa baba. Naghihintay ang Dad mo pati sila Tito Apolonio mo."
"Kayo na lang po ang kumain, Mom. I lost my appetite, hindi ko rin maeenjoy ang pagkain." sagot niya.
"Bakit, may problema ba? Son, alam mong hindi papayag ang daddy mo sa ganyan. Magagalit lang 'yon sa'yo kaya tara na sa baba. Masama na pinaghihintay ang pagkain."
"Why do you have to play with our lives, mom? Bakit ninyo ako ipapakasal kay Rima, alam ninyong magkaibigan lang kami. I accidentally heard your conversion with Rima's parents, that plan is absurd!"
Napabuntong-hininga ang ginang bago nagsalita, "It's an arrange marriage and your dad did it bago ka pa isilang. And now is the right time to make it happen, dahil nasa tamang edad na kayo ni Rima."
"As I look at it, it's definitely a marriage for convenience. Tinanong ni'yo man lang ba kami kung gusto namin na maikasal? Ang unfair ninyo, do you even realize na sisirain ninyo ang buhay namin ni Rima?"
"Since when did you badmouth your parents, Gabriel?" ani sa matigas na tinig ni Anthony ang pumukaw sa mag-ina.
"Dad, I heard what you said to Tito Apolonio, why do you have to do this? Kaya ni'yo ba ako binuhay dahil lang sa personal ninyong ambisyon? We are already well-off; we can survive without them!"
"Look at this scumbag, how dare you question my decision!" wika ni Anthony ng pagalit. Hindi ito nakapagpigil na sikmuraan ang anak at huli na para umawat ang asawa.
"Anthony! Huwag mong sasaktan ang anak ko!" ani Vera, sinubukan nitong pigilan ang asawa ngunit tinabig lang siya ni Anthony at pagkatapos ay hinawakan sa kwelyo ang anak.
"You are just my son, at kung napakinggan mo nga ang usapan namin. I'm pretty sure na alam mo rin ang mangyayari sa'yo kapag sinuway mo ang gusto ko. You have no choice but to marry Rima, kung ayaw mong pulutin kayo sa kalsada ng nanay mo!" saad ni Anthony bago binitawan ang binata.
Kapagkakuwa'y inayos nito ang sarili at bago pa man lumabas ng kwarto ay muli itong nagsalita. "I want both you in our dining room in three minutes, don't make me come here again or else alam na ninyo ang nangyayari. You guys should act nice lalo na kapag mayroon tayong bisita."
Pagkaalis ng asawa ay kaagad na nilapitan ni Vera ang anak at inayos ang suot nitong polo shirt. "Let's go," Anito sa anak.
"Hanggang kailan tayo magiging sunod-sunuran kay Dad? My life is at stake right now, mom... wala ba tayong magagawa to cancel that stupid idea?"
Hindi sumagot ang ina bagamat nginitian siya nito at hinila palabas ng kwarto. Nagpatinaod na lang siya sa ina dahil ayaw naman niyang ito ang pagbuntunan nang galit ng ama. Pagkarating nila sa dining table ay pawang nakangiti ang tatlo. Si Rita ang kaagad na bumati sa kanila habang nagpalinga-linga.
"Where is Rima? I thought magkasama kayo?" tanong ng ginang.
"She already left, tita... she told me that she has a party to attend." sagot niya.
"Mga kabataan talaga ngayon, basta na lang aalis kapag naisipan. Hindi man lang maisip ang mga magulang." ani Apolonio.
"Hayaan mo na, baka hindi na naman tinigilan ng mga kaibigan kaya nagpunta na lang." ani Rita. "Anyway hijo, how are you? Huwag kang mawawala sa debut ni Rima, ha?"
"Mabuti naman po ako tita, sige po pupunta ako."
"Shall we eat? Baka lumamig na ang pagkain natin dahil mas inuna pa natin ang tsismisan," ani Anthony.
Sinenyasan ni Vera ang mga kasambahay na magsilbi na ng mga pagkain para makapagsimula na sila. Tahimik na kumain ang binata at hindi na sumalo sa usapan ng mga ito. Halos hindi niya malasahan ang niluto ng kanilang cook dahil abala ang isip niya sa pagpaplano kung paano nila matatakasan ni Rima ang mapait nilang kapalaran. Maya-maya pa ay bigla na namang lumitaw ang imahe ni Lorraine sa imahinasyon niya. Kung hindi siguro siya isang Gutierrez ay hindi siya magkakaproblema ng ganito. Hindi pa man niya nasasabi sa dalaga na gusto niya na ito at heto na ang malaking problema na paparating sa kanila ni Rima.