APOLONIO'S WARNING

1203 Words
Mahimbing na ang tulog ni Rafael nang magpasyang iwan ni Rima ang nobyo. Hindi na niya ito hinintay na magising. Ala una na ng madaling araw at kailangan na niyang umuwi. Tiyak na mayayari na naman siya ng ama kapag nahuli siya nitong inabot ng umaga sa lakwatsa. Napakagat-labi siya nang maalala niya ang kapusukan nila ilang oras lamang ang nakakaraan. Kapag nalaman ng mga magulang niya ang ginawa niya ay tiyak na maghuhurumentado ang ama. Hindi ito na papayag na mapunta siya sa isang hampaslupa. Hindi niya kayang sabihin sa mga magulang na mayroon na siyang minamahal at hindi iyon si Gabriel. Ngunit ano ang gagawin niya kung sigaw pa lang ng kanyang ama ay nanginginig na siya sa takot? Pagkarating niya sa bahay nila ay sarado na ang lahat ng ilaw, hula niya ay tulog na ang lahat ng tao sa mansion. Ingat na ingat siya sa paglalakad, gamit ang flashlight ng cellphone niya ay patingkayad siyang naglakad paakyat ng hagdanan. Saktong pag-apak niya ng huling baitang ay kaagad na nagliwanag ang buong paligid. Nagulat pa siya ng biglang nagsalita ang inang si Rita, nakapameywang ito at suot ang makapal na pink na roba. May nakalagay pang clay mask sa pisngi nito. "Saan ka galing?" tanong nito. "Mommy, gising pa po pala kayo?" nakangiwi niyang sagot. "Sorry, I got home late." hingi niya ng pasensyiya sa ina. "Yeah, I think so. Where have you been?" "Just somewhere having fun," aniya. "Hindi na lang sana kayo naghintay sa akin, I know my way home, mom..." "Having fun? you're missing, Rima. How can we sleep if your daddy and I knows you're not at home?" "G-gising pa si daddy?" "Yes, kilala mo naman ang daddy mo. Pinapahalagahan niya ang kaisa-isa niyang anak." anang ginang. "So, saan ka galing, Rima?" seryosong tanong nito. "Hindi po ba nasabi sa inyo ni Gabriel? Nagpunta ako sa isa sa mga friends ko," "And you're expecting me to buy that? We're not born yesterday, darling." sarkastikong sagot ng ina. "Pero mommy, totoo po ang sinasabi ko," giit niya. "I don't know, malalaman rin ng daddy mo ang lahat." anito. Bigla siyang kinabahan. "Bakit mom, nasaan si daddy?" "Hindi ko alam, kanina pa siya lumabas para hanapin ka." sagot nito. "Because you know, tinawagan na namin lahat ng mga kaibigan mo sa kakahanap sa'yo, kahit ang mga nakakakilala sa'yo but they could not tell us where you are. As your loving father, Apolonio, run his ass off just to find you." "I'm home, he can come back." aniya. "This isn't serious para palakihin pa. I'm an adult, mom!" "He's the boss, Rima. Bear this in mind that your father will do everything for you, his family, his business and to protect his personal interest." "W-what do you mean?" kabado niyang tanong. "Nothing sweetheart, matulog ka na. Let your daddy fixed your mess." makahulugang wika ng ina. Na lubhang ikinatakot ng dalaga. Patakbo siyang nagtungo sa kanyang kwarto para tawagan ang nobyo. Malakas ang kutob niyang may alam na ang kanyang mga magulang at kailangan niyang balaan ang kasintahan. Nakailang ring muna ang cellphone ng kasintahan bago ito sinagot ng binata. "Hello?" anito. "Where are you now? Huwag ka na munang umuwi, sa tingin ko may alam na sila Dad tungkol sa atin." babala niya. "Ganoon ba? Nandito na ako sa bahay." sagot nito. "Eh di mabuti, maipapakilala ko na sa kanila ang sarili ko." anito sabay tawa. "Sira ka ba? Hindi mo kilala ang daddy ko, he's a  monster!" aniya. "Relax, okay? Magiging okay rin ang lahat." anang binata. "Paano ako magre-relax? Hanggang ngayon wala pa si daddy dito sa bahay. Baka hinahanap ka na niya. Magtago ka na muna." "Rima, wala akong kasalanan sa batas, okay? Hindi ko kailangang magtago. Mahal kita at papatunayan ko iyon sa dad mo." giit ng binata. "Raf, please listen to me, okay? Huwag ka na munang umuwi sa inyo. Better safe than sorry." aniya. "Okay, ikaw ang masusunod. Magpahinga ka na, at huwag ka nang mag-alala pa sa akin. Kaya ko na ang sarili ko." wika ng binata. Medyo napanatag ang dalaga sa sagot ng kasintahan. "Sige, magpapahinga na ako. Hanap ka na rin muna ng matutuluyan. Mag-iingat ka."  "Wala bang I love you riyan?" tanong ng binata, Nangiti ang dalaga. "I love you," sambit niya. Pinutol na niya ang tawag at nagbihis na ng damit. Lihim siyang nagdasal na sana mali ang hinala niya at hindi totoo ang nasa isip niya. Hindi niya yata mapapatawad ang ama kapag ginalaw nito si Rafael. *** "Ang taas rin naman ng ambisyon mo, bata." ani Apolonio. Nakatayo ito sa harapan ni Rafael habang nakaluhod ito at hawak ng dalawang tauhan ng matanda. Habang nag-uusap ang dalawa ay tahimik na nakikinig si Apolonio sa gilid. Kailan lang din niya nalaman ang pakikipag relasyon ng anak sa isang magsasaka. Noong una, akala niya ay simpleng fling lang, ngunit nang biglang mawala ng ilang oras ang anak ay bigla na siyang kinabahan. Hindi pwedeng masira ang mga plano niya dahil sa kapusukan ng kanyang unica hija. At bilang ama nito, tungkulin  niyang itama o ituwid ang baluktot na paniniwala ng anak tungkol sa pag-ibig. "Sir, narinig naman ninyo ang anak ninyo, mahal niya ako. Kahit isang hamak lang akong magsasaka, totoo naman ang nararamdaman ko para sa anak ninyo." panimula ng binata. "Nagpapatawa ka ba? Ano'ng akala mo sa akin? Papayag na mahaluan kami ng pipitsuging gaya mo?" "Ang sakit naman ninyong magsalita, Sir. Bilog ang mundo, oo, mahirap lang ako ngayon pero magsisikap ako para mabigyan ng magandang buhay ang anak ninyo." Nagpanting ang tenga ng matanda. "Kahit ibenta mo pa lahat ng lamang-loob mo, hindi ka nababagay sa anak ko! Kaya huwag ka nang mangarap, dahil hangga't buhay ako, hindi ko hahayaan na makapasok ka sa pamilya ko!"  Sinenyasan ni Apolonio ang mga tauhan na bugbugin si Rafael. Tuso ang matanda. Dahil kinanti siya nito sa lugar kung saan tago. Hindi man lang nito ginalusan ang kanyang mukha. "Sir, alam ni Rima na may gagawin ka sa akin. Sa oras na pinatay mo ako, itatakwil ka at kamumuhian habang buhay!" anang binata. "Matalino ka rin pala ano, huwag kang mag-alala, hindi kita papatayin. Hindi ko dudungisan ang mga kamay ko sa kutong lupa na kagaya mo." angil nito. "I am warning you, layuan mo ang anak ko. Sa oras na malaman ko na lumalapit ka pa sa kanya. Hindi lang bugbog ang aabutin mo sa akin!" banta ng matanda sa kanya. Lupaypay nitong iniwanan si Rafael at mabilis na sumakay sa kanyang sasakyan. Masakit ang buong katawan ni Rafael ngunit pinilit niya pa ring maitayo ang sarili. Nakakuyom ang kanyang mga kamao habang nakatingin sa papalayong sasakyan ng matanda. "Hindi ninyo ako mapipigilang lapitan si Rima, sa akala mo ba, matatakot mo ako ng ganoon na lang? Nagkakamali ka, sa ginawa mo ay lalo mo akong binigyan ng dahilan para angkinin ang anak mo." nagtatagis ang mga bagang na wika ng binata. Hindi siya makakapayag na basta na lang nitong ilayo sa kanya ang girlfriend, lalo na at may nangyari na sa kanila. Alam niya siya ang nakauna kay Rima. At gagawin niya ang lahat para siya ang una at huli sa buhay ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD