Ilang araw mula ng bisitahin sila ng ina ay nagsimula nang maging balisa si Ipe na parang mayroon itong malaking suliranin. Madalas makita ni Lorraine na tulala ito at halos hindi na makakain dahil sa labis na pag-iisip. Kinailangan nang pumagitna ni Lorraine dahil baka mas lumala pa kapag pinabayaan niya ang ama. "Ano po ang problema natin, 'tay? Baka pwede nating pag-usapan?"tanong niya rito. Nakaupo ang ama sa may bangko at nagmumuni-muni na naman. "Ang inay mo..." sagot nito. "Ano pong mayroon sa Inay? Hindi po ba't nagpaalam na siya ng maayos sa atin?" tanong niya. "Pakiramdam ko kasi mayroon siyang gagawing hindi maganda." Turan ng matanda. "Itay, magtiwala lang po kayo kay Inay, sa tingin ko naman ay alam niya ang ginagawa niya. Huwag po kayong nag-iisip ng hindi maganda dahil

