"Problema kay misis?" Bungad sa kanya ng kaibigan. Nasa isang restaurant sila para i-treat ito ng lunch kagaya ng napag-usapan. "Wala ba talaga akong maitatago sa'yo?" pabirong sagot niya. Tinungga niya ang malamig na tubig sa kanya baso at pinaupo ito sa tabi niya. "Actually, laman na ng balita si Rima sa buong hacienda, tanging ikaw na lang ang walang alam." "What do you mean?" takang tanong niya. "Madalas na wala si Rima sa inyo hindi ba? Halos hindi na nga umuwi, bali-balita na may nakakakita sa kanya sa mall na may kaholding-hands na lalaki at naghahalikan pa raw ang mga ito sa loob ng sinehan." "I see. Mukhang ako na nga lang talaga ang walang alam, actually may hinala na, pero pilit kong itinatanggi kasi ayaw kong maging masama ang asawa ko sa paningin ko. She's still my wife

