Parang itinulos sa kinatatayuan si Gabriel habang nakatitig sa kanyang asawa. Nasa isang mall sila at hindi nito alam na naroon din siya. She is smiling from ear to ear while holding another man's hand. She looked so inlove and vibrant. Mahigit trenta minutos na yata siyang nakasunod sa mga ito na parang tanga. Iyon nga lamang ay hindi niya makita ng maayos ang mukha ng lalaki dahil nakasuot ito ng mask at nakasuot rin ng bucket hat. That guy occasionally planted kisses on his wife on her lips kahit maraming tao sa paligid. He is now certain that they're not just friends. Ang minsang paglabas-labas nito ay naging madalas na, dahilan upang sundan niya ng araw na iyon ang asawa para malaman kung saan ito nagpupunta at nakumpirma nga niya ang kanyang hinala. She is seeing another man behind

