Nagpalinga-linga muna sa buong paligid si Rafael, nang masiguro na walang ibang tao sa paligid niya ay pasimple niyang dinampot ang maliit na box na itinapon niyan noong nagdaang gabi. Nakatanggap na kasi siya ng text mula sa tatlong kolokoy na nasa estasyon na raw ng bus ang mga ito dahil balak ng mga ito na magtungong Maynila. Hindi na siya sumama sa mga ito dahil hindi naman niya kayang iwan si Rima lalo at nagsimula ng mangialam ang ama ng dalaga. His love for Rima is like a losing game, but he will bet his life just to make sure he'll win.
"Ano kaya ang laman nito?" aniya sa sarili habang sinusuri ang box. Kailangan niya pang sirain ang lock nito dahil wala naman siyang susi. "Wow!" malakas niyang bulalas nang makita ang ilang pirasong diyamante na kumikinang nang matamaan ng sikat ng araw mula sa butas ng kaniyang bubong. Sa tantiya ay mahigit benteng piraso ang mga iyon at talaga namang napakaganda. Mayroon rin itong kasama na ilang pirasong maliliit na cast gold bars na sa tantiya na ay may isang kilo rin ang bigat. Sa tingin niya ay jackpot siya sa nakuha niya, kaya naman nagtatatalon siya sa tuwa. Hindi siya nagkamali ng magpasya siyang ilihim sa mga kasama ang kanyang natagpuan. Mabilis siyang naghukay sa lupa malapit sa kanilang kusina. Doon niya pansamantalang itatago ang mga nakuha niya. Mahirap na baka may makatunog o makaalam ng nakuha niya at dumugin siya ng tatlong kasama. Sa kanya lang ang mga iyon dahil gagamitin niya iyon sa pagsisimula nila ni Rima. Sa oras na magkaroon siya ng pagkakataon, gusto niyang ayain na magtanan ang katipan. Nakakatiyak siyang pwede ng panimula ang nakuha niya at ang matitira ay ilalaan niya sa negosyo para makatiyak na hindi na sila maghihirap ng babaeng pinakamamahal. Nagpasya siyang tawagan ang kasintahan para ayain itong magkita.
"Mabuti naman at nasagot mo ang tawag ko, libre ka ba mamaya?" aniya nang sagutin ng dalaga ang tawag.
"Bakit ka tumawag? Pinagbabawalan na ako nila daddy na kausapin ka, sa oras na malaman nilang may komunikasyon pa tayo, baka kung ano na naman ang gawin ni dad. Isa pa, pinapabantayan niya na rin ako kay Mommy." ani Rima, napakahina ng boses nito na tila ingat na ingat para walang makarinig sa pinag-uusapan nila.
"Aayain lang sana kita mamayang gabi, pwede ka ba?"
"Mamayang gabi? Bakit, ano'ng nangyari?" tanong nito. May bahid ng pag-aalala sa tinig ng kasintahan. Kaya naman kaagad niya itong pinakalma.
"Wala naman, na-miss lang kita at gusto kitang makasama kahit saglit. Sa dati nating tagpuan, alas dies ng gabi." aniya. Narinig niya na may boses na tumawag kay Rima kaya nagpasya siyang putulin na kaagad ang tawag. Ang importante ay nasabi na niya rito ang balak niyang pakikipagkita. Nagpasya ang binata na ibenta ang ilan sa gamit na nakuha niya mula sa malaking bahay. Kailangan niyang bumili ng ilang bagong damit para naman mas lalo siyang maging pogi sa paningin ni Rima.
"Sino na naman ang kausap mo? Your so-called boyfriend? Bakit hindi ka pa rin nakikipag break sa taong 'yon? Hinahamon mo ba talaga kami ng daddy mo?" sita ni Rita sa anak.
"Kaibigan ko ang tumawag sa akin at hindi si Rafael. Leave him alone!" sagot ng dalaga.
"Madali naman kaming kausap ng daddy mo, basta gawin mo lang ang gusto namin, hindi namin gagalawin ang lalaking 'yon,"
"What do you mean?"
"Your engagement with Gabriel will be on Sunday, hindi na namin mahihintay ang araw ng birthday mo. We've decided to do it sooner at sa mansion ng mga Gutierrez iyon gagawin. That being said, we have to go now. We need to buy some dress for you." maarteng wika ni Rita.
"What?! So, itutuloy ni'yo talaga ang gusto ko kahit pa sinabi ko nang ayaw ko magpakasal kay Gabriel?!" sindak niyang sagot. Hindi niya inaasahan na mabilis ang magiging kilos ng mga magulang. "No, I'm not going anywhere!" matigas niyang tanggi."
"Huwag mo akong subukan, Rima. Marami tayong tauhan sa labas na pwede kong utusan para maisama kita sa kung saan ko gusto. And I think hindi mo magugustuhan kung ipapakaladkad kita sa mga katulong natin." babala ng ginang. Napalunok ang dalaga, knowing her mother, hindi ito nagbibiro. Wala siyang nagawa kung hindi magpaubaya at sumama rito.
"That's my girl. Sumunod ka lang sa mga gusto namin ng dad mo. You'll benefit from it sooner or later. Darating ang araw na papasalamatan mo rin kami ng dad mo." ani Rita. "Isa pa, Gabriel is a nice guy, kilala mo siya simula pagkabata. He's never been into trouble. And also a sole heir ng kanilang pamilya. Aba, hindi ka na lugi sa kanya! You're going to live like a queen kapag ikinasal na kayo. Kaya itigil mo 'yang kaka-arte mo na parang ang sama-sama ng gusto naming mangyari. Lahat ng ginagawa namin ng dad mo ay para rin sa'yo, and you should know how to be grateful." mahabang litanya nito.
Nanatili siyang tahimik habang katabi ang ina sa kanilang kotse. Nagmistula siyang robot habang kasama ito. Ni hindi siya ngumiti ng dalhin siya nito sa mamahaling boutique para magsukat ng dress na isusuot niya sa linggo. Paano siya ngingiti kung alam niya ang kahihinatnan ng plano ng mga ito? Hindi siya magiging masaya dahil kahit baliktarin man ang mundo. Tanging si Rafael lang ang laman ng puso niya at hindi na iyon mababago. Gabriel is a good man, but he is just a friend at hindi niya nakikita si Gabriel bilang kabiyak ng puso niya. Bumuntong-hininga ang dalaga, tatakas siya mamaya at kikitain niya ang nobyo. Siya na mismo ang magyayakag sa binata na makipagtanan sa kanya. They need to run away as early as possible bago pa matuloy ang kasal na pinaplano ng mga magulang. Wala siyang pakilam kahit magdildil sila ng asin o mag-ulam ng bagoong buhay niya. Pero hindi siya papayag sa gusto ng mga magulang.
"Give me your phone," ani Rita kapagkakuwan. Tapos na silang mamili ng mga dress at pauwi na sila sa kanilang bahay. Magkatabi muli sila sa sasakyan nang bigla na lang itong magsalita.
"What? Mom, please, no! Gagawin ko ang lahat ng ipag-uutos mo, huwag mo lang kunin ang phone ko," pakiusap niya.
"Sorry, but your dad told me na kailangan muna naming kunin ang phone mo while we're busy preparing for your engagement. Baka kung ano pa ang gawin mo at baka kung ano pa ang ibulong sa'yo ng tambay mong boyfriend."
"Wala na sa buhay ko si Rafael, ano pa ang gagawin niya? Isa pa, halos gawin ninyo akong preso sa bahay, ano pa ba ang ikinatatakot ninyo?!" aniya sa ina.
"Sa tingin mo ba, naniniwala akong friend mo ang kausap mo kanina? No!"
"Ano bang klaseng pahirap ang ginagawa ni'yo sa akin? Patayin ni'yo na lang kaya ako!" puno ng frustration na wika niya sa ina. Nagsisimula ng manubig ang mga mata niya ngunit mabilis niya iyong pinalis. Showing weakness to her mom is useless. Kasing-tigas ng bato ang puso nito kagaya ng sa daddy niya.
Kapag kinumpiska nito ng tuluyan ang cellphone niya ay mawawalan na sila ng komunikasyon ni Rafael. Baka mabaliw pa siya lalo at hindi siya nito pinapalabas ng mansion.
"Knocked it off, Rima. That ain't gonna work. Don't worry, maging mabait at masunurin ka lang. Baka hindi na kami maghigpit pa ng dad mo. Sa ngayon, we have to protect you from that guy."
Napaismid ang dalaga. Mukhang baliktad yata. "This is really absurd, mom!" aniya. Sa sobrang asar niya ay binuksan niya ang windshield ng kotse nila at mabilis na inihagis ang cellphone sa daan. Mas gugustuhin niya pang masira ang bagay na iyon kesa mapasakamay ng mga magulang.
"Dang! What do you think you're doing?!" singhal ni Rita.
"You already took everything from me, I won't mind disposing that s**t para wala na talaga kayong makuha pa sa akin."
Hinampas siya ng ina sa balikat dahil sa inis. Inutusan nito ang driver na ihinto ang sasakyan ngunit hindi iyon nangyari dahil nasa highway sila. "I'm going to tell your dad about this!" banta nito.
***
Oras na ng hapunan, at kagaya ng dati. She is not allowed to go downstairs. Pinag-utos lang ng dad niya na hatiran siya ng pagkain sa kwarto niya. Hindi siya nag-aksaya ng panahon, kinain niya kaagad ang pagkaing dinala sa kanya ng katulong nila. Kailangan niya ng lakas, kaya kailangan niyang kumain para malamnan ang tiyan. Malakas ang kabog ng dibdib niya habang pinapakiramdaman ang mga tao sa paligid niya. Kapag ordinaryong gabi ay natutulog ng maaga ang mommy niya dahil takot itong magka eyebag dahil sa puyat. Mula sa kanyang bintana ay nakita niyang umalis ang ama. Marahil ay may meeting na naman itong pupuntahan or may balak na naman itong magsugal. Inantay niya muna na tuluyang tumahimik ang lahat. Pagkatapos ay kinuha niya ang ilang kurtina na nasa bintana niya. Pinagbuhol-buhol niya iyon kasama ng ilan niyang tuwalya, kumot at bedsheet. Nasa ikalawang palapag ang room niya at hindi niya kakayaning tumalon mula roon. Kailangan niya ng mahahawakan at iyon lang ang naisip niyang paraan.
Nang masiguro ng dalaga na mahigpit ang pagkakabuhol ng mga iyon ay maingat na niyang itinali ang dulo nito sa bakal na nakakabit sa bintana niya. Pagkatapos ay isinuot niya ang isang itim na backpack na naglalaman ng ilan niyang mga gamit, mula sa damit at mga alahas na pwede niyang pagkakitaan.
"Okay Rima, it's now or never!" aniya sa sarili. Pikit-mata siyang nangunyapit sa ginawang lubid at maingat na dumausdos pababa. Nang makababa siya ng tuluyan ay kumaripas na siya ng takbo ng walang lingon-likod.